Napakaraming rason kung bakit dapat akong mangibang bansa. Pero iisa lang ang rason kung bakit ayaw ko yung mangyari.
Rason Kung Bakit DAPAT akong pumunta sa ibang bansa:
1. Makita ko na Mama ko na napakatagal ko ng hindi naakap at nahalikan
2. Makapag ipon ng maraming maraming pera
3. Pangarap ko nuon na makatapak sa ibang bansa
4. Sabi nila nandun daw FUTURE ko
5. Para makapagpatayo ng negosyo dito sa Pilipinas
6. Maiahon ang pamilya sa kahirapan
7. Mabubuo na pamilya namin
Rason Kung Bakit AYAW NA AYAW kong pumunta sa ibang bansa:
1. PAG-IBIG
Ang hirap talagang magdesisyon. Kahit sabihin nyo pa na "pag mahal ka ng tao hihintayin ka nyan." Powtahh!! Marami ng nakadanas nito pero ending?? Ayun nagsawa sa kakahintay yung mahal nila. wahahaha! Eh kung di man nagsawa eh tumitikim sa iba ung mahal nila kasi alam mo nman mga lalake. pwehehehehe! Ayaw ko namang mangyari yun. Isa pa, hindi talaga makokompleto araw ko pag di ko siya nakikita kahit isang minuto man lang. Di ko kayang wala siya sa tabi ko. Powtah din ang linyang "masasanay ka rin." pwe!! ayokong masanay! bwahahaha. Pagkatapos nga niya akong ihatid sa bahay namin, pagkatalikod ko nga lang eh namimiss ko na siya kaagad. How much more pa kaya pag nasa ibang bansa na ako? Handa kong isugal lahat sa ngalan ng Pag-ibig kahit pa ang pag-ibig ay ayaw sa akin. Ay Powtah! wag nman sana! hahahaha.
This entry was posted on October 4, 2009 at 12:14 pm, and is filed under
buhay,
OFW,
Pag-ibig
. Follow any responses to this post through
RSS. You can
leave a response, or trackback from your own site.
July 30, 2009 at 12:06 PM
haha kahit naman wala sa ibang bansa ang lalaki tumitikim ng iba,haha biro lang pero totoo yun,haha
ako din parang diko kyang mawalay sa mahal ko ng mtgal,pero gusto ko dn mkpgabroad,
July 30, 2009 at 12:24 PM
@ Hari ng Sablay
bwahahahahahahahahahaha.. uu, un na din point ko lol, kahit malapit lng eh tumitikim pa rin, pano na lang kaya kng magkawalay pa kayo.. wahaha
August 10, 2009 at 10:38 AM
Hay naku.. kahit anong gawin mo, nagnyayare padin yan..nakakainis diba?
Pero ako din gusto ko makapag ibang bansa..
August 11, 2009 at 10:37 PM
@ cuteegiftsphilippines
hahaha.. uu, normal na ata yan sa mga lalake ehh.. tapos pag nahuli mo, sori ng sori hanggang sa dulo ng mundo. nakz! hahahaha tapos gagawin ulit.. yay!