July 18 19, 2009

Dear Diary na walang kwenta,

Matapos ang napakalintik naming exam kagabi dumeretso na kami para puntahan ang bespren kong si RedHorse. Ang sarap niya pag malamig samantalang ako masarap kung mainit. nyahahahaha!! Hay nako. Sabi ng powtang heart ko nun na broken raw siya kaya nagfafakalasing ako sabay yosi para di masyadong tamaan. hahaha. Ayun matapos ang drinking session namin ng 2 ko pang katropa eh dumeretso na kami sa acquaintance party (bat kaya ang tagal naming magparty lintik!). Sabog na sabog kaming pumasok sa gym. Kiber! Ayun na nga, pinirmahan namin yung pangalan namin tapos sabay kuha ng coupon para sa pagkain namin mamaya. At ang mga powtang kami hindi pa kontento sa iisang coupon lamang, ang bababoy nga talaga. hahaha! Ayun, dahil sa kamandag namin meron na kaming 10coupons. bwahahahaha! Ang sarap ng buhay! Ang sarap ng pagkain! Chicken, lupia, rice na parang dalawa na ang serve tapos may kasama pang coke. oh yeah! sarap sarap sarap! Nakakawala talaga ng amatz. Matapos ang party diretso na nman kami sa inuman. Energy drink kasi ang RedHorse eh. haha Parang Vitamins. Haaaayy. Matapos non, d ko na maalala kung pano ako nakauwi. wahahahahahaha!

Love,
Madame K