Buhay nga naman para ring kape, minsan mapait at minsan sobra din namang tamis. Kung mainit pa ang sarap talaga. Babalik balikan mo pa, pero pag malamig na balewala na lang. Wala ka ng pake kung marami ng langgam na nka 2piece ang lumalangoy sa kape mo. Para masaya ang life siguraduhin natin na tama lang ang timpla para hindi ito masayang kasi mahirap na. Nasa huli ang pagsisisi.

Adik na talaga ako sa kape. limit na nga lang ako 6mugs a day.. nyahahaha! Hay naku!! Minsan hiling ko sana maging katulad ko ang kape. Yung tama lang ang timpla. Hindi mapait, hindi masyadong matamis, at higit sa lahat MAINIT. wahahahahaha! Sarap talaga magkape habang nagyoyosi. Perfect combination!!

ANG KAPE talaga. Bow!