Ang sarap pa talaga ng buhay nung bata tayo. Walang problema. Puro laro lang nasa isip. Naalala ko pa nuon sa tuwing humihingi ako ng pera sa nanay ko eh binibigyan nya ako ng 10 piso. Masaya na ako nun. Ang layo na ng naabot ng pera ko noon. Mabubusog na ako sa ganoong halaga. Isang bananacue at tyaka juice pyts na Tapos may sukli pa. Eh ngayon, yung 10piso eh para pamasahe ko na lang. Sukli? 3piso. Pangkendi na tg 75sentimos. Noon ang 2piso eh 3 na kendi mo.

Hay buhay nga naman ano. Ano na kaya mangyayari saten kung patuloy na bababa ang ekonomiya ng ating bansa? Sigurado ako na ang 10piso eh para nalang piso. Lecheng mga opisyal ooh. Lumalangoy na sa pera. Mga kurakot. Pucha! Pangako pangako pangako puro naman napapako! Sa eleksyon lang magaling. Ang dami raw natutulungan at matutulungan pa. Pwe! Kainin nyo shit nyo tyaka ako maniniwala sa inyo. Ang daming plastic! Mga tupperware! At tyak na dadami pa lahi nyo. Hayy buhay! Wala naman tayong magagawa. Kahit pagsabihan pa natin sila hindi rin sila makikinig. Kung makikinig man eh lalabas lang yun sa kabilang tenga.

May iba naman na pumapapel na parang tanga. Imbis na dapat pabanguhin nila pangalan nila eh bumabaho. Kasimbaho ng shit nila. Kasimbaho ng kilikili nila. At kasing baho ng bungaga nila. Pwe!! Pagkatapos ng eleksyon pagnanalo sila wala na. Nagpapalaki na lang sila ng tyan. Inaalagaan nilang mabuti mga bituka nila. wooh! Ang heart ko! hahaha. chillax.

Hiling ko lang na sana ang mga bagong papasok sa gobyerno ay hindi tutulad sa mga mokong na mga toh. Na sa umpisa lang magaling. At ngayon ay nagmamagaling galingan na. Pwe!!!