Napakaraming rason kung bakit dapat akong mangibang bansa. Pero iisa lang ang rason kung bakit ayaw ko yung mangyari.

Rason Kung Bakit DAPAT akong pumunta sa ibang bansa:
1. Makita ko na Mama ko na napakatagal ko ng hindi naakap at nahalikan
2. Makapag ipon ng maraming maraming pera
3. Pangarap ko nuon na makatapak sa ibang bansa
4. Sabi nila nandun daw FUTURE ko
5. Para makapagpatayo ng negosyo dito sa Pilipinas
6. Maiahon ang pamilya sa kahirapan
7. Mabubuo na pamilya namin

Rason Kung Bakit AYAW NA AYAW kong pumunta sa ibang bansa:
1. PAG-IBIG


Ang hirap talagang magdesisyon. Kahit sabihin nyo pa na "pag mahal ka ng tao hihintayin ka nyan." Powtahh!! Marami ng nakadanas nito pero ending?? Ayun nagsawa sa kakahintay yung mahal nila. wahahaha! Eh kung di man nagsawa eh tumitikim sa iba ung mahal nila kasi alam mo nman mga lalake. pwehehehehe! Ayaw ko namang mangyari yun. Isa pa, hindi talaga makokompleto araw ko pag di ko siya nakikita kahit isang minuto man lang. Di ko kayang wala siya sa tabi ko. Powtah din ang linyang "masasanay ka rin." pwe!! ayokong masanay! bwahahaha. Pagkatapos nga niya akong ihatid sa bahay namin, pagkatalikod ko nga lang eh namimiss ko na siya kaagad. How much more pa kaya pag nasa ibang bansa na ako? Handa kong isugal lahat sa ngalan ng Pag-ibig kahit pa ang pag-ibig ay ayaw sa akin. Ay Powtah! wag nman sana! hahahaha.