Walang hiya! Ang buong akala ko eh gusto na niya akong kalimutan, na finally gusto na nya akong pakawalan. Akala ko makikipagbreak.. ampowtahh!! Nadisgrace pala ang pinakamamahal kong mokong. Guilty na guilty feeling ko ngayon, nag-away kasi kami nung friday night umalis ako sa bahay nila ng di nya alam. Eh umalis din naman siya eh sabi pupuntahan cousin nya tapos babalik din siya kaagad. Sinabi pa nyang isasama niya ako if ever may lakad sila. At dun, ang tangang ako naghintay naman hanggang napansin kong malapit 3 oras na akong nakatulala. Kaya ayun umalis ako, inakyat ko pa yung gate para mkalabas ako kasi nkakandado. haha! Para akong adik na magnanakaw. At least nanakaw ko yung yosi at lighter ng pinsan niya. hahahaha! Tapos yun na nga, umuwi ako kaagad. Nuod ng tv, net, tv ulit then net na nman then yosi dn net ulit tapos tv na nman. Adik talaga! Naisip ko nga sana nagdrugs nalang ako. hahaha! Hinintay ko pa ang bwesit kong syota na yun eh wala talagang dumating. Ni anino wala! Ampowtahh. Ayun, masaya ako kinabukasan kasi tagay moments with my close friends na namiss ko talaga. At dumating ang araw nato, wala talaga akong balita sa kanya hanggang dumating yung pinsan niya. Pinapasabi nasa ospital daw ang baliw kong boypren. Ampowtah! Nashock me! Hindi ako mkapaniwala.

***Dumating sa bahay si PinsanNiya.
PinsanNiya: Pinapapunta ako dito ni (syota ko) kasi gusto niya malaman mo na nasa ospital siya.
Ako: (natulala, nashock pero di halata sa face) Huh? Bakit?
PinsanNiya: Naaksidente, medyo nkainom kasi.
Ako: Medyo nga lang bah? (*smile* ampoootah nasa ospital na nga syota ko parang wala lang) Eh san siya naaksidente?
PinsanNiya: Sa (lugar). Papunta kasi siya dito. (ampowtah! parang ako pa may kasalanan! ako nga bah?)
Ako: (silent night.. holy night.. holy shittt!!!) ..................................... (wala talaga ako nasabi)
PinsanNiya: Nasa (ospital) ngayon. Rm (#).
Ako: Eh sino nandun?
PinsanNiya: Si Tito.
Ako: Ano pinapasabi niya? (haller? ano nga ba?!? sana nman sabihin nito na magpapadalaw siya)
PinsanNiya: Yun lang, na gusto nya malaman mo nasa ospital siya ngayon. (Ampowtah! ayaw ata akong pumunta, ok lang baka ako pa sisihin ni fathergoose niya kung bat ang kanyang unicho iho ay nandun)
Ako: Awhh... Yun lang ba pinapasabi?
PinsanNiya: Uu.. Sige..
Ako: Sige.. Ingat..
*****Umalis si PinsanNiya

Ampowtahh!! Di ko man lang natanong kung ok na ba siya, kung napano siya. Sino nagdala sa kanya sa ospital at kung ano ano pang bumabagabag sa isip ko ng umalis na Pinsan niya. Eh blank isip ko at that time. Shit!! Baka sinabi ng pinsan niya wala akong paki. Ampowtah!!

God!! Sana ok na siya. Mabuti nalang hindi mo kinuha memory niya. At lalong lalo na ang buhay niya.