skip to main |
skip to sidebar
RSS Feeds
Blog Sa Mga Taong Tanga Na Gustong Magbasa Sa Mga Post Ko.
Blog Sa Mga Taong Tanga Na Gustong Magbasa Sa Mga Post Ko.
5:21 PM
Gawa ni Madame K
OFW ang mga contestant sa Wowowee kanina kaya stop muna ako sa pagnenet. Ampoootek! Natatats talaga ako pag sila ang mga contestant. Hay nko! Nakakarelate kasi ako sa kanila. Mabuti pa nga yung mga OFW na yun ay nkauwi na. Nakasama na nila pamilya nila. Samantalang mama ko ilang taon na siyang nagtatrabaho bilang OFW, ilang taon na rin kaming hindi nagkikita. Sayang kasi pera pag uuwi pa siya dito. Yun sinasabi niya. Nag iipon din kasi naman siya dun kaya hanggang chat na lang kami. Hanggang webcam at voice chat na rin.
Bilib talaga ako sa mama ko. Nagawa niyang magsakripisyo para lang sa amin. Para may magandang kinabukasan lang kami. Naguiguilty nga ako minsan sa tuwing humihingi ako ng malaking pera tapos napupunta lang lahat sa tagayan at sa yosi, buti na yun kesa naman drugs! hahahaha! Ayaw ko subukan yun!! ampootek! oh tukso! layuan mo akooooooooohhh!!!!!!!!!
Bata pa lang ako naranasan ko na kung gano kahirap ang buhay. Panahon pa yun noong hindi pa marumi isipan ko, noong di ko pa nakilala si Satanas! bwahahaha! Anyways, yun na nga. Wala pa akong malay na naghihirap na pala kami. hahaha! Yun yung time na ang ulam namin ay itlog tyaka ketchup, sardines, at ano pa ba yun. ah bsta yun na yun. Naranasan ko na rin yung walang kuryente at WALANG REF!! hay nako! Buhay nga naman. Naalala ko pa noon na pag may chocolate kami bumibili lang kami ng ice sa kapitbahay tapos ayun, medyo tumigas din yung tsokolate! haha! haaayy.! Hirap nga naman talaga.
Sabi nga ng mama ko "Ayaw ko ng balikan ang buhay na yun." Kaya nga nagsisikap siya ngayon. Hay nko. Kakalungkot. Kung anong meron kami ngayon nagpapasalamat talaga ako sa mama ko.
I HEART YOU MAMA!
August 10, 2009 at 1:09 PM
Dapat lang na magpasalamat tayo kung ang magulang natin an OFW.. Hindi sila dapat ikahiya.. Kung wala man sila sa tabi natin, yun ay dahil sa nagsasakripisyo sila para sa kinabukasan nating lahat.. Para magkaroon tayo ng magandang buhay..
August 11, 2009 at 10:38 PM
uu kaya proud ako sa mama ko. weeeeh!