Let's talk about BAD TRIP! hahahaha! Oo nah, BAD TRIP kasi ako ngayon. Bakit? Dahil.... ay wag ka na magtanong. Ako na lang ang magtatanong. Anong mga bagay na nakakapagpaBAD TRIP sayo? Anong mga bagay ang kinaiinisan mo talaga?
Nais ko lang ipamahagi ang ilan sa mga bagay na nakakapagpaBAD TRIP talaga sa ken. Okeii, exaj na tong BAD TRIP word ko. Masyadong redundant.
- nagpagod na maperfect ang quiz na hindi nman pala recorded
- nagtype ng napakahaba sa MS WORD tapos nagbrown out
- sa mga panahong kelangan mo ng cellphone eh yung sayo bat empty na
- TRAFFIC!
- pinapaantay ka ng mahigit 2 oras
- ang sarap ng panaginip mo, tapos gigisingin ka lang bigla dahil wala lang
- chinichismisan ka ng mga tao na hindi nman totoo
- may mga tao sa gilid na pinag-uusapan ka. Di mo man sila marinig pero alam mong ikaw ang pinag-uusapan nila
- batang umiiyak! (gusto ko paiyakin ang bata! hahaha pero dapat tumigil siya kaagad sa pag iyak kasi nkakairita!)
- mainit ang panahon paglabas mo ng bahay, tapos biglang uulan maya maya eh wala ka man lang dalang payong
- bad trip ka na nga, pinapabad trip ka pa ng ibang tao
- nawala ng teacher mo yung grade mo sa midterm o kung ano man yan tapos ipaparetake ka na lang niya
- mga magulang na sirang plaka
This entry was posted on October 4, 2009 at 12:14 pm, and is filed under
buhay,
shit,
Walang Kwenta
. Follow any responses to this post through
RSS. You can
leave a response, or trackback from your own site.
October 11, 2009 at 10:33 AM
Eto pa isa kambal!
DI AKO MAKAPAGPOST NG MATINO NG NEW ENTRY!
Di ko alam kung anong nangyari sa itsura ng NEW POST link ng account ko dito!
BADTRIP talaga!
At isa pa!
ANG SAKIT-SAKIT NG TENGA KO!
Nasobrahan ng linis, kaya ngayon namamaga yung ear canal! Kaliwa't kanan pa! Ang sakit!
BADTRIP talaga!
October 11, 2009 at 11:32 AM
badtrip ung may katabi kang may anghit sa jip..
tapos nakataas pa yung kamay..
aba nakasando pa
October 11, 2009 at 12:42 PM
badtrip nga yan..
eto pa isa...
gusto mo kumain,
pero wala namang pagkain...
smile lang! talagang ganyan ang buhay...
malay mo bukas, maganda na mangyari sayo...:)
October 11, 2009 at 3:16 PM
badtrip kasi lagi naghahang ang farmville! letsugas, malalanta na mga tanim ko!
October 11, 2009 at 4:45 PM
badtrip ba kamo Madame K??
ay, etoh:
- papasok ka, tapos wala naman pala and propesor
- may makikita kang nagbubulungan, alam mong ikaw ang pinapag-usapan, kaya titignan mo sila at ngignti para alam nilang malakas ang radar mo. tutungo sila at mahihiya. mga duwag. (ay teka parang nasa list mo na din ata toh)
- nasira ang LRT, lahat ng tao gusto mag-jeep. walang masakyan.
- tricycle driver na may putok
- hold-upper na kinukuha lahat
- makasalubong ang crush mong may ka-HHWW :|
October 12, 2009 at 9:13 AM
@Ambidextrous Meeya
haha. nakita mo na ba yung link ng new post mo o hindi pa? tsk..
ehh, kng nanggigigil ka ibang tenga ang sirain mo wag yang sayo. hahaha eh mabuti nlng yung tenga kesa yung mga mata mo pa ang madefect. hindi ka na makakabasa ng mga post sa mga blogs. tsk
@a.k.a. panjo
xet naman! hahahahaha honga, bad trip yan!! sana hindi mo dinedescribe sarili mo ha! hihihi
@batanggala
yan nga ang nakalimutan kong itype. hahaha yung tipong gutom na gutom na gutom ka na talaga tapos wala kang mahanap na pagkain at wala kang perang pambili. xet nun
@Ambidextrous Meeya
palaging laaaaaaaaaag yang farmville! hahaha
@MagandangHampaslupa
hahaha ang nkakabadtrip dun eh nagmamadali ka talaga na makarating sa room niyo tapos wala yung prof mo. hahaha
uu nga, titigan at magsmile! hahaha
buti na lang walang LRT dito. tsk
buti na lang hindi magkadikit ang driver at pasahero dito sa amin
lintik na holdaper yan! haha buti na lang hndi pa ako naholdap
ano yung HHWW? hahaha
October 12, 2009 at 10:07 PM
HHWW = holding hands while walking, Madame K :P
nako, parang lahat naman pla ng meron dito eh wala jn. where ba u? :P
October 13, 2009 at 1:47 PM
ay yun pala yun. haha ang bobo mode kasi ako. haaha
uu, walang baha, wala masyadong holdap, may patayan pero hindi nman gaano. pumapatay lang sila dahil sa droga! hahahaha
sikret hiding place ko gusto mo malaman? halika ibubulong ko sayo.. *whisper* with wings. nyahahaha.
October 14, 2009 at 3:19 AM
nakakabadtrip nga lahat yan. pero ngayon masaya ako kaya wala ako mashare na nakakabadtrip hehehe. nice blog :)
October 14, 2009 at 11:28 PM
hello, MK! gusto kitang bigyan ng award! sana makatanggal ito ng bad trip mo. ^_^ paki-pick up na lang sa blog ko. salamat! ^_^
October 16, 2009 at 7:36 AM
@The Snappy Sparrow
nice ba blog ko? hehehe salamat!! buti kpa hindi badtrip.. arghhh!!
@i_wander
ay naku salamat! hahahaha. nkakawala nga yan ng bad trip *iyak* touch nman ako.
October 16, 2009 at 10:27 PM
lol! paki-copy mo na lang ang pic ng award para magamit mo sa blog mo. don't forget to pass it on ha... congrats! at isa pa, nice talaga ang blog mo! hindi plastik! hindi insekyora! tamang-tama ang timpla! ipa-follow ko ba ito kung hindi nice? ^_^ sana maubos na ang bad trip mo, madame... :)