Ako ay nagkasakit. Oo, biktima ako ng isang nakakamatay na sakit. Buti nalang wala pa akong nagawang mabuti sa mundo kaya di pa ako kinuha ni Lord. Hanggang ngayon I'm still recovering. Comfort me naman para gagaling na ako agad. hahaha. Okey lang kahit plastic!
WOOOOOOOt! Matanda na akong. Pakshet! Ayokoooooooooo! 17 pa ako period! ahahaha! Nakakaexcite at nakakalungkot isipin na birthday mo na. Buhuhuhu! By the way, tapos na birthday ko. At dahil sa beerday ko may confession ako! Sa birthday ko pa nagkasala na ako. SHET! Akala ko nakarecover na ako sa kamanyakan ko. Tae! Akala ko wala ng taong makakapukaw sa pagiging playgirl-slash-flirt ko. Pero anong nangyari! Tang ina! Ba't ka pa kasi pinanganak na gwapo! GRRRRRRRR! I just can't resist you. We're almost of the same age, i mean isang taon lang ang agwat natin pero mehhhn! May boypren ako, may asawa ka. Oh please! Wak mo kasi akong bigyan ng motibo na you also like me. Don't let me assume! Ayan tuloy, duda na ako sa feelings ko sa boypren ko. Huhuhuhu!
Gusto niyo ishare ko ang story ko on what happened the night kung kelan ako nagkasala? Curious much? And it's POLL TIME!!!
Ang bilis naman tumakbo ng oras. And dami ng nangyari. Nariyan yung issue ni Shaina at Lloydie, totoo bah yun? Naiimagine ko kasi na papunta sila ng ospital na nakadikit! HAHAHA! Pero kahit anong sabihin ng mga tao di pa rin ako naniniwala. Unless kung may picture or video talaga dba? At ang pagmamadaling kasalan ni Robin at Mariel. HELLO?!! Showbiz. Ba't bah naman minamadali ang pagpapakasal. Makikipagpustahan ako, hindi sila tatagal! Mwahahahaha! Idol ko pa naman si Robin, pero nakakaturn off ang kaganapang iyon. Pero ba't hanggang ngayon di pa rin umamin ni Piolo at Sam kung anong estado ng kanilang buhay? LOL
Anyways, sa lahat ng tambay na tumangkilik sa poll ko salamat. Kahit feeling ko may isang tao na effort talagang padamihin ang votes niya. Ok lang. Salamat sa nilaan mong oras at effort. hahaha! Sa mga nagcomment, salamat rin. You inspire me. ECHOSSSS! Sa mga nagbasa pero walang pakialam. Salamat pa din dahil binasa niyo ang entry ko. At sa mga walang ginawa kundi mag open lang sa site ko. MARAMING SALAMAT. Hindi tatagal ang blog na to kung wala kayo. Pakiss nga!!!
PATAY! PATAY! PATAY!! PATAYYYYYYYYYYYYYYYYYYYYY!
Nais niyo pa bang makita na namumulaklak ang blog nato? Pakisagot sa poll. Kung di kayo tanga, obvious na obvious na makikita niyo ito sa sidebar. Alam niyo nama nang ibig sabihin ng POLL at Sidebar diba? OK? GO! HEHEHEHE.
At dahil friend ko si
panjo at simula't sapol pa lang eh gustong gusto ko na ang mga kwento niya. Sumali ako sa pacontest niya. Ang hirap naman kasi limited to three colors lang at dapat simple. Fund pa naman ako sa rainbow. hahaha!
I can still remember the first time I laid my eyes on his blog. I got hooked sa LRT na kwento niya. If I'm not mistaken, LRT driver pa ata tong pangalan ng mokong toh. Anyways, balik tayo sa design. Hui panjo, alam mo naman na pasaway ako at hindi talaga ako sumusunod sa instructions kaya pagpasensiyahan mo nalang. Bigyan mo nalang ako ng puntos para sa effort ko. Wag kang mag alala, kasi pag nasa mood na ako gagawa ako ng mas maganda pa dito. Yun ay kung nasa mood ako. hahahaha. mwahh!!
Eto panjo oh, i hope you like it. =)
More than a year na pala ang blog ko. Oh mhayyyy!! Congratulations to me! YEYYY!! Akala ko wala ng bumubisita sa blog ko, pero nung nagcheck ako kanina aba may mga bagong comments. kakatuwa naman. Salamat repapeepz, I love you na talaga. Sa susunod na post ko, pramiz may sense na talaga kahit wala paring kwenta. hehehe. Pag nabasa mo to, maraming salamat. Pakiss nga!! MWAHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHH!
P.S. Wala pa akong sponsor para sa domain ko. huhuhuhu.
Assuming na tinatanong niyo yung sarili niyo kung bakit bastos o parang walang respeto ako pag nagboblog ako. Ako kasi sa personal ang Maria Clara na mejo bastos. I just find it funny to talk and act as a maniac. Don't get me wrong, I'm a maniac in a funny kind of way. Hindi ako yung bastos na bastos talaga, if you know what I mean. Besides, karamihan naman kasi sa friends ko ngayon ay mga lalake. Well, isa lang naman talaga yung babaeng babae and she just celebrated her last day as a virgin. Haha! Nakakatuwa nga kasi simula nung high school, 4 ang naging barkada ko. Una yung mga relihiyoso at pawang mga aliens pa pagdating sa kabastusan pero sila yung paborito ko. Pangalawa ay mga chicks, bale kami yung mean girlsssssssss when we were still seniors. Maganda, sexy at matalino, kami na yun. Pangatlo ay ang mga tanggero kong barkada. Party all night, party here and there, then party yesterday today and tomorrow. At yung ngayon na barkada ko na mga "shet, ang sarap niya pare" at "do the moves na" pwede rin namang "Pare 500, yung babaeng yun oh." Masaya din naman silang kasama. You can rarely see us in our town. Roadtrip din naman trip namin.
Iba't iba talaga ang naidudulot ng mga naging kaibigan mo sa buhay mo. Pero nasa sayo lang naman yun kung magpapaapekto ka. Ako kontento na ako sa pinagagawa ko kasi masaya ako dun. For me kasi Life will never be complete kapag hindi mo naranasan ang mga ito. I mean, boring ng life mo pag hindi ka man lang maging wild sa buong buhay mo. You'll never see how good life is. Yun na yun. Hehe. At wag ring kalimutan yung Pag-ibig, ang pinakaimportanteng bagay sa buong mundo.
V villar
O Osmeña
T Tanada
F Flavier
O Obet
R Recto
D Drillon
C Chato
H Herrera
A Arroyo
M Monsod
M Magsaysay
P Pangilinan
Kung kapanahon ko kayo eh maalala niyo to. Buti pa yung sa senado naalala ko, di ko nga alam kung sino yung mga candidates for president non ehh. Hahaha. Anyways, Election Day ngayon. Kaya iboto ang sa tingin niyo ay karapatdapat. Wag husgahan ang iba, wag pilitin ang iba. Wag makiuso, wag gumaya. OK?
Ang hiling ko lang sa Diyos eh magibyan niya sana tayo ng mga lider ng bayan kung san hindi lang salita magaling kundi sa gawa rin. Tulad ng ibang tao, hangad ko lang na mapabuti ang ating bansa. Hindi ako mag eexpect na uunlad agad o mabayaran man lahat ng utang ng Pilipinas sa term ng kung sino man ang mananalo ngayon, gusto ko lang talagang mabawasan ang kahirapan ng bansa. Sana naman may malasakit ang mananalo at hindi puro pera lang ang nasa isip.
Sayang at hindi ako makakavote ngayon dahil hindi ako nakapagparehistro, nanghihinayang nga ako eh. Hindi kasi ako naniniwala sa mga boto noon, tingin ko kasi sa mga opisyal eh walang mga kwenta, puro kurakot at iba pa. Eh ngayon, every vote counts na pala. Sayang yung boto ko. Siguro makakatulong din yun. Wala na akong magagawa. Oh well. I'll pray nalang na sana manalo ang karapatdapat at sana hindi nila papabayaan ang kapwa nilang Pilipino. Tuparin sana nila ang kanilang pangako at tungkulin sa bansa natin ng walang halong katarantaduhan.
Happy Election and belated Happy Mother's Day. How I wish I could hug and kiss my Mom. Kaso ang layo niya eh. One reason bat siya nag abroad, for our future. Hirap kasi ng trabaho dito sa pinas and ang baba ng sweldo. Naway sana na hindi na mababawasang ang mga Pilipino sa bansa natin.
Lin exchange you like? Dami pang available slots sa taas. Hihihi. Di na talaga ako magpapramiz na maging active sa blog ko. Pasensiya na mga tambay. Huhu. Konti nalang ata may interes sa walang kwentang blog nah to ah. Anyways, I'll try my best to post more entries soon. I Love You gaiz. Mwah!
Malapit na ang eleksyon. Maglalabasan na naman ang mga demonyo nito. Wooot Wooot! 1 thing I love/hate about eleksyon is yung mga taong nakakalat para bilhin ang boto nyo. Which is good kasi kahit bayaran pa nila ako ng isang milyon kapalit ng pagsulat ko sa pangalan ng mga manok nila eh papayag talaga ako. Malalaman bah nila kung anong pangalan ang sinulat ko? *insert evil smile here* bwahahahahahahaha! Kaya yun. Anyways, napadaan lang naman ako sa walang kwentang blog nah to dahil gusto kong malaman niyo kung sino ang iboboto ko ngayong eleksyon.
I think therefore I am for G1BO! Bang! Bang! Wala naman kasing ibang matino sa kanila eh. Actually, mga manok ko eh si G1bo at Gordon. Sayang kasi malabong manalo si Gordon. Anyhoooooo, kung sino man ang maging presidente eh sana di niya papabayaan ang bansa natin. Sana hindi na tayo pagtawanan pa ng ibang bansa, aahon sana tayo sa kahirapan tulad ng mga lintek na pangako nila. Wag sana puro salita! Kaw? Sino pinapaniwalaan mo?
"Hindi ko na papabayaan ang blog ko." - SUPER DOOPER MEGA OOBER FAIL!!!
Huhuhu. Kawawa naman talaga. Mabuti pa ang multo nagpaparamdam. I feel sorry for my blog. It was never my intention to make pabaya my blog. Kahit yung personal blog ko kaboooom, cobwebs na ang laman. ERRRRR!
Anyways, El Niño nah gaiz, so init na. Kaya don't forget to bring sunblock and umbrella. hahaha! Finals na namin. Hindi pa nga ako nakapag-aral ay pagod na akong mag-aral. Diba pag exam hindi na dapat pag-aralan ang lessons? Dapat stock knowledge nalang yun. Kasi test nga yun para malaman kung may naintindihan ka talaga sa lesson niyo. Hayy.
Anyways, jump na naman tayo sa ibang topic. Eleksyon na. Sino ang iboboto niyo?? Ang taong pedopilya na lagi mo lang makikita sa TV at nakaka LSS yung kanta niya, o ang anak na dala-dala ang pangalan ng kanyang mga magulang na ginawa ang lahat para magkademokrasya tayo? O kaya naman ang dating pangulo na nasibak na dahil sa isyung jueteng at patuloy pa ring lumalaban para manalo kahit alam niyang wala na siyang pag-asa? Di naman kaya gusto niyong iboto ang taong may angking GALING AT TALINO? Hahaha.
Kahit ano pa man yan, MY VOTE IS FOR GIBO AND GIBO ALONE. hahahaha Bakit? Dahil gusto ko yung humble at may talino talaga. Di bale na kung PRO GMA siya at ANTI GMA ako.
Kahit sino man ang manalo sa kanila. Basta dapat siguraduhin nilang walang dayang nangyayari sa eleksyon at sana naman maging maayos na ang bansa natin. Iangat sana nila ang Pilipinas sa kahirapan at polusyon!! wahahahaha.
So sino bang iboboto niyo? VOTE WISELY.
Hindi ka ba nakakaintindi o ayaw mo lang talagang umintindi?? Potek!! Uu, madali lang sabihing gusto kong MAKIPAGBREAK pero di mo alam nadudurog ang puso ko sa tuwing binibitawan ko ang mga salitang yan! Madali oo, kasi gusto kong iparamdam sayo na madali ka lang bitawan. Nasanay na akong anjan ka, ayokong hanap hanapin kita when the time comes na aalis na ako ng Pilipinas. Hindi naman pwedeng dito na lang ako. Wala akong trabaho, my mom will not support me na pag andito pa ako, wala ka ring trabaho, san ako titira, sinong bubuhay saken? Ang daming tanong na gumugulo sa isipan ko. There are a lot of reasons kung bat KELANGAN kong mangibang bansa, pero isang rason lang ang pwedeng makapagpigil sakin na huwag na lang umalis. Hindi mo alam kung gano kahirap magdesisyon sa ganitong sitwasyon. Mahirap, masakit, nkakainis.
Isipin mo na lang kung anong gusto mong isipin. Gusto kong maramdaman mo na wala na akong nararamdaman sayo. Gusto ko ring maramdaman mo na wala na akong interes sa relasyong ito para naman lumayo ka na. Para hindi na ako mahirapan sa pag alis ko. Ayoko ng long distance relationship, mabuti pa ang wala kaysa naman magtitiis ako sa ganyan.
Wish ko lang na sana, kahit napakasakit, mapunta ka sa babaeng makakapuno ng kaligayahan sa puso mo. Ang isang bagay na hindi ko maibigay sayo.
Pasensiya na kung napaka EMO ko ngayon. Gusto ko lang ilabas ang emosyong nararamdaman ko ngayon. Nakakalungkot. Nakakainis. Hayyyyyy!
Hoi hoi buloyyyyyyyyyyyy! Lapit na valentaymz day noh? Kilig moments to the bones na naman toh pare. Para sa mga may date ngayong valentines, avoid going in to dark places. hahahaha, para sa mga walang date PARTY TIME!!!!
Nakakatuwang isipin o panoorin ang mga hayskul na kinikilig tuwing binibigyan sila ng bulaklak o teddy bear o kaya naman chocolates. Namiss ko tuloy hayskul life ko, sabi nga nila at naniniwala naman ako na High School is the best. Dito mo maeexperience ang maraming bagay. Dito mo makikilala ang mga kaibigan mong hanggang sa pagtanda ay alam mong maasahan mo pa rin kahit matagal na kayong hindi nagkikita. Akala mo love eh infatuation lang pala. Sa mga babae eh pag dumaan lang crush nila eh kinikilig na sila. You day dream a lot. Maraming lalake ang takot mabasted. When you enter into a relationship eh akala mo siya na makakasama mo habangbuhay. And take note, your first heart ache na akala mo katapusan na ng mundo! Dito mo makikilala ang maraming klaseng tao-- torpe, flirt, loyal, plastic, shy, deadma, martyr, playboy/girl, Maria Clara, bad influence, bakla, tomboy, adik, ayyyyyy! hahaha Sa hayskul rin ako unang tumikin ng bisyo. Pero walang drugs ha! haha Beer, rhum, tequilla, at kung ano ano pa jan. Dito ko rin unang natikman ang bespren kong si Marlboro! wahahahahaha Pero never in my life na natikman ko ang pagiging suspended. hahaha Yan ako katino. lulz. Imma proud honor student. haha! Dami kong memories noong hayskul pa ako. Pero masaya din naman sa college. Mas masaya talaga pag naenjoy mo hayskul life mo, compared kung sa college ka pa magwawala. Naku po!!!
PS - please drop me some questions @ formspringme -------------------------->
Team Kris o Team ahmm, Team, ahmmmmmm ano nga pangalan nun? hahahaha! anyways, kahapon ko lang talaga nalaman ang chismis na toh. Galing talaga ang nagagawa ng mga social networks na toh, imbis na ako ang maghahanap sa balita eh ang balita na ang naghahanap saken. hahaha jusme!! Bakit ba bigo na lang palagi si Kris sa pag-ibig (kung totoo man ang mga balita)? Dami ng lalakeng dumaan sa buhay niya. Pero same old lame story pa rin. Anyways, let's go in to details. Ay chaka!! Sorry ha, wala akong pic sa instant celebrity na toh. Wala pa sa internet eh, pero sabi sa mga echuserong/echuserang mga kapitbahay nila at mga kakilala nung kirida eh kamukha daw ito ni Kris! hahaha at take not, 38years old na ang bruha. Ang hilig talaga ni James sa mga mature at mapuputing babae. Jusme!! hahahaha Palagi dawng tumatawag ang nagtetext ang bruhang yan!! At tumawag pa ito while Kris and James were eating lunch daw. Grabeh, kaya ayun sinugod daw ni Kris. Ang sabi sa bruha eh sinasabihan daw ni Kris ng masasakit na mga salita ang Mom niya. At dineny naman ito ni Kris, no comment si Kris, pero she admitted na pumunta daw xa sa bahay ng babae to confront that bruha.
Bat ba ganyan ang mga lalake? Hindi makuntento sa isa. Uu na, alam ko na ang sasabihin ng ibang lalake jan. Kaming mga babae ang hindi matitino. Potek! hahahahahaha. Lack of trust, ito lang naman yun eh. Ugat ng problema sa lahat, maparelasyon man o kaya naman when it comes to our country yan din ang problema. Yung iba laging sinasabi "May iba nga xa kaya hahanap din ako ng saken, para pag break na may maipapalit ako kaagad." o di kaya "Siya lang ba ang marunong magtago ng maraming syota?" at eto pa "Niloko ako ng lalaking sineryoso ko kaya hindi na ako magseseryoso sa susunod kong karelasyon, maghanda xa!" hahaha! Letse! Swerte nga kayo dahil may pumapatol pa sa inyo, yung iba nga jan naghihintay pero walang dumarating. Kayo naman nangongolekta. Ano pang mapapala niyo jan? Ha? Sa mga lalake, maraming syota madali naman maubosan ng pera! hahaha Sa babae naman, maraming ngang syota eh pokpok naman ang dating! hahahahahahaha!! Get a life people, alam kong nakakaaliw ang ganyan.
Let's all learn how to trust. Mahirap oo, pero subukan lang natin. Kung lolokohin ka pa, puta patayin mo na! hahaha jowk. Hindi, eto seryoso, sa pag-ibig dapat handa kang masaktan. Masarap din minsan ang nkakaramdam ka ng lungkot, galit, self pity at kung anu-ano pa jan. Trust me. Been there done that. =) hahaha Nakakatuwa din yung pag nakamove on ka na tapos maiisip mo ulit yung nangyari noon, matatawa ka lang talaga. Mas magandang pakinggan ang nagpakatanga ka dahil sa pag-ibig kesa naman nanggagago ka sa ngalan ng pag-ibig. Pwe!!
Bago na naman ang layout ko. ahihihi. Sana wala na tong sabit. Mamaya ko na lang ieedit to, tinatamad naman kasi ako eh. Dami ko pang trabahong gagawin, busy busyhan ako dahil gusto kong yumaman. hahahaha! Anyways, kung may mapansin kayong hindi kanais-nais sa blog ko pagpasensiyahan niyo na lang kasi under construction pa eh, watch out for falling debris. hahaha! Oh siya sige, mauna na muna ako. Busy ang lola eh. =) Have a nice day everyone. I love you!! You love me more? Yes, i know!! hahaha! *hithit dito, buga doon*
At dahil si mamang LRT na si panjo, may naidedicate na na kwento sa kaibigan naming si hampaslupa na inabandona na ang blog niya eh etong entry na toh ay para sa kanya. Crush ko kasi siya eh. hahaha nakakabutch naman talaga ang beauty niya.
Etong bruhang toh ay isa sa mga naging close ko sa blogsperyo. Di ko talaga makakalimutan ang babaeng toh, lalo na ngayon at nakita ko na ang kagandahan niya. hahaha. Ang araw na to ay napakaespesyal para sa kanya (sabi ni panjo eh) at gusto ko ang mga mambabasa (kung meron man jang tanga na nagbabasa nito) ang maging witness sa pag greet ko sa kanya ng HAPPY BIRTHDAY CRUSH!! hahahaha! sana bumalik ka na sa blogsperyo, hindi pa nman huli ang gumawa ng bagong blog at ipatattoo mo na lang ang username at password mo para hindi mo na talaga ito makakalimutan. Hinding hindi ko na talaga makakalimutan bertdei mo kasi the day before your birthday ay ang araw din kung kelan nakapagdesisyon kami ng jowa ko na maging kami. ahihihi.
As usual, wala na namang kwenta ang pinagsasabi ko. hahaha basta hampaslupa ha, happy birthday sayo. San ang inuman? San ang kainan? hahahaha. Pwede ka pa rin namang makapagcomment eh anonymous nga lang. ahihi. I miss you na, I love you crush!
Pramiz! Hindi ko na talaga papabayaan tong blog ko. Pramiz! Hindi ko na talaga papabayaan tong blog ko. Pramiz! Hindi ko na talaga papabayaan tong blog ko. Pramiz! Hindi ko na talaga papabayaan tong blog ko. Pramiz! Hindi ko na talaga papabayaan tong blog ko. Pramiz! Hindi ko na talaga papabayaan tong blog ko. Pramiz! Hindi ko na talaga papabayaan tong blog ko. Pramiz! Hindi ko na talaga papabayaan tong blog ko. Pramiz! Hindi ko na talaga papabayaan tong blog ko. Pramiz! Hindi ko na talaga papabayaan tong blog ko. Pramiz! Hindi ko na talaga papabayaan tong blog ko. Pramiz! Hindi ko na talaga papabayaan tong blog ko. Pramiz! Hindi ko na talaga papabayaan tong blog ko. Pramiz! Hindi ko na talaga papabayaan tong blog ko. Pramiz! Hindi ko na talaga papabayaan tong blog ko. Pramiz! Hindi ko na talaga papabayaan tong blog ko.
Busy man o hindi, hahanap talaga ako ng oras para maupdate naman tong kawawang blog ko. Hayyy. I'm back and I'm ready to post new and nakakilig at nakakatuwang mga entries. Hopefully. =) So eto na lang muna, hintayin niyo next post ko ha? Ay Lav Yu!! Time for blog hopping!!