Oct. 26 - First day of enrollment. Hindi ako pumunta sa school.
Oct. 27 - Nagnenet lang sa hauz.
Oct. 28 - Di pa rin natanggal sa lecheng computer.
Oct. 29 - Ganun pa din.
Oct. 30 - Walang pinagbago.
Nov. 3 - First day of class. Nasa bahay pa ako at hindi pa nkapagenroll.
Nov. 4 - Nasa bahay parin.
Nov. 5 - Home.
Nov. 6 - Bahay Kubo kahit munti.
Nov. 9 - Pumunta na talaga sa school. Pero hindi na bumalik ng hapon.
Nov. 10 - ENROLLED! pero magpapaadd pa ng subjects bukas.


Pucha! hahaha. Ang tamad ko. Buti na lang hindi totoo yung P500.00 fee kung late na magpa enroll. Kung meron nun, naaaaaaaaakz! pakenhellshet, MAGPAPAKAMATAY TALAGA AKO! bwahahaha! Buti na lang talaga love ako ni Bro. Hindi pa siguro siya handang tumanggap ng salbaheng angel. ahihi.

Habang tinatype ko ang entry na toh, bigla na lang akong natauhan, napaisip. Swerte ko dahil binibigyan ako ng pera ni mama pang sustento sa mga luho ko. nakz! Binibigyan niya ako ng perang pangtuition pero eto ako, muntik ng hindi makapag-aral sa sem na toh. Salbaheng bata noh? Dapat sana inisip ko na maraming batang gustong makapag-aral pero walang pera. Naghahanapbuhay nlng sila, nagtatrabaho para may makain ang pamilya nila. Habang nag-iinuman kami ng tropa ko, ang lumalapit samen na nagtitinda ng mani eh mga bata. And take note, 12mn-2am nagtitinda pa rin sila. Sana naman marealize toh ng mga kabataan ngayon. Lalong lalo na dun sa mga nagdrudrugs. Kung iipunin mo nga naman lahat ng nagasto nila sa bisyo nila, makakabili na sana sila ng MACBOOK PRO--ang pangarap kong laptop. Pwede din celfone, o di kaya pangdate, oh gift sa mga magulang nila, malapit na ang pasko. Pwede din nilang bigyan ang mga mas nangangailangan. Sana isipin din nila kung gano kahirap ang tiniis ng mga magulang nila makakuha lang ng perang ibibigay sa kanilang mga anak. Hay kabataan nga naman. You'll only understand these kind of things kung meron na kayong mga anak.


Napipicture niyo bah ang future ng Pilipinas?

Gusto ko lang pasalamatan ang mama ko sa lahat ng nagawa niya para sa akin. Mahal na mahal ko siya.