Tulog. Trabaho. Aral. Trabaho. Aral. Tulog. Trabaho.

Cycle ng aking buhay nitong mga nakaraang araw. Gustohin ko mang magpost ng entry pero di ko magawa eh. Wala rin naman akong maisip na topic. Hindi ko akalain na ganito pala ang pakiramdam pag busy ka talaga. Walang time sa barkada, konti lang ang time sa tv, konti lang ang time para matulog at sa pag-aaral. Ganun talaga eh, kelangan mo ng pera? Magsakripisyo ka. Pero ngayong week na toh, kelangan ko talaga ng break. *pero pag mag tumanggap saken magtatrabaho na nman ako* haha! Sayang yung dollars noh. Kung curious kayo kung anong trabahong pinasukan ko, ang trabaho ko ngayon ang isang GRO! hahaha joke! Kahit gutomin ako never ako papasok sa ganyang klaseng trabaho. Di baleh na maghirap basta WHOLESOME AKO! oh yeah. haha Anyways, balik tayo sa trabaho ko.

I'm a freelancer. Oh sossy pakinggan diba? Sa mga walang hiyang taong hindi alam kung anong ibig ng freelance, ang freelance ay ano ahmmm iGOOGLE niyo na lang. haha! Tinatamad na ako. Gusto niyo rin bang kumita? I'll share my blessings din naman. Magseng lang kayo ng email saken, tapos pag may sweldo na kayo bigyan niyo rin ako ha? hahaha.