Photoshop Love

Haayyyyyyyyyy. Tagal ko din naman palang nawala. Pasenxa, busy lang talaga ako sa paghahanap ng pera. At least naka $2.58 na ang kinita ko. haha. Okeii na kaya yan pang umpisa. Wala rin naman ako masyadong maishare sa inyo pero ito lang.

Naalala niyo ba ang post ko tungkol kay Angelica Panganiban noon? Kung hindi click niyo na lang yang name niya. Anyways, may nkakalat na namang picture bago finotoshop ang katawan niya. Sino nga ba ang salarin? Isa lang nag masasagot ko diyan. I DON'T KNOW AND I DON'T CARE. bwahahahaha! Pero buti na lang maganda xa kahit chubby xa noh? hehe. Sana walang magagalit sa akin sa post na toh. Pasensiya na Angelica, maganda ka pa rin naman kaya pagbigyan mo na lang ako. Ayaw mo nun, napansin talaga kita at binlog pa kaya dapat proud ka. Dibaleh na negative at least kilala kita diba? Huwag ka mag-alala fan mo pa rin akow. Galing mong gumaya kay Kris. hehe



BEFOREAFTER

Photoshop Wonders. Haha.

Awardness Galore sa mga bruhang maleleeeebog


Una sa lahat gusto kong magpasalamat sa Panginoon. Gusto ko ring pasalamatan si i_wander dahil kundi dahil sa kanya hindi ako magpapasalamat kay Bro ngayon sa award na biniyaya niya sa akin. Wala akong masabi. *silent night*

THANK YOU. haha.

hoi i_wander salamat naman at nagpop ang MADAME K sa isipan mo habang nag iisip ka kung kanino mo ipapamahagi ang award na yan. ahihihi. At pangalawa pa ako sa listahan ha. Salamat ng bonggang bongga. Dahil jan, mas love na kita ngayon. wahahaha.

May rules pa pala sa award na to. iCocopy paste ko na lang dahil tinatamad akong magtype.

The Best Blog Award rules are:

1. To accept the award, post it on your blog together with the name of the person who has granted the award and his/her blog link. don't forget to leave a comment!
2. Pass the award to 15 other blogs that you have recently discovered and think are great! Remember to contact the bloggers to let them know they have been chosen for this award.

Mga napili ko:
1.
Ang blog ng pinagtagpi-tagping kalokohan. by MagandangHamapslupa
hampaslupang inggiterang bruha toh, kaya visit her site din.

2. ~Living An Ambidextrous Life~ by AmbidextrousMeeya
isa bruhang maleeeebog

3. tuyong tinta ng bolpen by a.k.a panjo
pinakamaleeeebog award!

4. salad bowl of thoughts by i_wander - ibabalik ko sayo ang award. hahaha
momi!!! ahihi

5. ang maliit na mundo ni batanggala by batanggala
ahm, wala akong masabi. bsta nice din blog nito.

6.
Akuztik Addict! by vonfire
please don't stop the music!

15 - 9 = 6. hehe hindi kasi ako mahilig mag blog hopping eh. kaya swerte kayo't napadpad ako sa impyerno langit paraiso nyo. tsk. i love you all!

Bad Trip Bad Trip Bad

Let's talk about BAD TRIP! hahahaha! Oo nah, BAD TRIP kasi ako ngayon. Bakit? Dahil.... ay wag ka na magtanong. Ako na lang ang magtatanong. Anong mga bagay na nakakapagpaBAD TRIP sayo? Anong mga bagay ang kinaiinisan mo talaga?

Nais ko lang ipamahagi ang ilan sa mga bagay na nakakapagpaBAD TRIP talaga sa ken. Okeii, exaj na tong BAD TRIP word ko. Masyadong redundant.

  • nagpagod na maperfect ang quiz na hindi nman pala recorded
  • nagtype ng napakahaba sa MS WORD tapos nagbrown out
  • sa mga panahong kelangan mo ng cellphone eh yung sayo bat empty na
  • TRAFFIC!
  • pinapaantay ka ng mahigit 2 oras
  • ang sarap ng panaginip mo, tapos gigisingin ka lang bigla dahil wala lang
  • chinichismisan ka ng mga tao na hindi nman totoo
  • may mga tao sa gilid na pinag-uusapan ka. Di mo man sila marinig pero alam mong ikaw ang pinag-uusapan nila
  • batang umiiyak! (gusto ko paiyakin ang bata! hahaha pero dapat tumigil siya kaagad sa pag iyak kasi nkakairita!)
  • mainit ang panahon paglabas mo ng bahay, tapos biglang uulan maya maya eh wala ka man lang dalang payong
  • bad trip ka na nga, pinapabad trip ka pa ng ibang tao
  • nawala ng teacher mo yung grade mo sa midterm o kung ano man yan tapos ipaparetake ka na lang niya
  • mga magulang na sirang plaka

C.R.U.S.H

Gusto ko lang ishare sa inyo ang mga crush ko sa showbiz. Minsan lang ako manood ng local shows at etong mga yummylicious na to ang umakit saken.

Coco Martin - Ang gwapo ni Coco. naman!!

Ejay Falcon - i like his lips. kissable.

Matt Evans - gusto ko talaga siya magsmile

sa mga babae naman, eto
mga crush ko.

Cristine Reyes - napaSHET talaga ako sa pic na toh! haha. Sarap ni Cristine!

Maja Salvador - xet xet xet. idol ko talaga toh. Marami ng nakapagsabi magkamukha raw kami. wahahahaha

Shaina Magdayao - simple yet beautiful. haaay.

Tatlo sa lalake at tatlo sa babae na lang muna ha. Kakatamad kasi magsearch ng mga pics eh. Di ko na rin alam ng pangalan ng iba. hahaha


Friendsters Koh

wapaaaaaaaaaaaaaaak! Another touching moment na nman ang nangyari saken kahapon. Hindi ko naman talaga inexpect ang nangyari. Putang mga kaibigan kasi to hou..

Matapos ang lintik na namang exam namin sa Math eh nag CR ako. Nagpasama ako sa kaibigan ko, takot ako sa CR eh. Kaya ayun nasa CR na kami, at maniwala kayo walang nangyari sa amin. Habang nasa cubicle ako sabi niya may ibibigay raw siya saken. Sabi ko ano? Hindi siya sumagot kaya lumabas ako. Pag labas ko sinalubungan niya agad ako ng isang BOX. Maliit na box na maganda at hindi ko alam kung anong mafefeel ko. Sana hinampas ko na lang yung box sa mukha niya pero dahil kaibigan ko siya at pareho kaming maganda hindi ko yun nagawa. Nagsori siya kasi yun lang daw ang kaya nilang bilhin. Donated by my 3 friends kasi yung perang pambili nun eh. Tagal ko ng hindi nakatanggap ng materyal na bagay sa birthday ko. Pera lang kasi palagi kong hinihingi sa nanay ko. Kala ko mas masaya yun, at masaya nga talaga! Tsk. Eto binigay ng kaibigan ko oh.

Ganda noh? hahaha Open niyo!


Eto ang laman. Nakakatuwa dahil matagal ko ng sinabi sa kanila na Mac Arthur ni Bob Ong yung gusto kong regalo sa birthday ko. Biruin mo yun nga binili nila. Sana sinabi ko na lang BMW yung gusto ko! SAYANG! hahahaha!

I'm lucky with my friends. I love them. Nakatattoo na sila sa buhay ko.

Make Me Smile.

Oyyy, birthday ko pala kahapon. Blog muna ako. Igreet niyo naman ako kahit late na. hehe. With inspiring message ha? Bad trip ako eh. Sooooper. Beerday ko pa naman. Make me smile! Make me smile. C'mon Make Me Smile.

Speaking of smile, natouch naman ako dahil may nainspire nainggit sa blog ko. Kaya raw gumawa siya ng sarili niyang blog. hihi. Salamat ha? Ito ang paborito at pinakamagandang regalo na natanggap ko sa araw na to dahil wala talagang nakaalala sa mga kaibigan ko o pamilya man lang na bigyan ako ng regalo. Kahit card man lang eh wala talaga. Kakalungkot nga. Greet na lang daw ang ibibigay nilang regalo sa akin, sino ba naman ang pesteng nagpakalat ng linyang "it's the thought that counts"?

Anyways, gusto ko lang pasalamatan si magandanghampaslupa. Shet ka talagang hampaslupa ka, natats talaga ako. hehe. Salamat naman at napadpad ka sa impyerno ko. nyahahaha. bwahahahaha.