As long as i want to expose myself, i just can't due to some personal reasons. Bleh! Ewan ko ba, d pa ngayon ang tamang panahon (paki nyo naman diba?). Anyways, may gusto lang akong ishare. Tungkol sa taong kinamumuhian ko.

Guess who my mortal enemy is? haha! Ang sarili kong ama. Noong bata pa ako masaya pa ang samahan naming dalawa. Sabi pa nga ng mga tao na parang kapatid ko lang daw siya. At sa mga panahong iyon bulag pa ako sa mga nangyayari sa aking paligid. Tuwing mag-aaway sila ng mama ko hindi ko pa alam ang dahilan at hanggang ngayon di ko pa rin alam kung anong pinag-awayan nila. echosera! haha. Anyways, yun na nga. Naalala ko pa noong panahon na nag-away sila at si mama may bitbit na kutsilyo (ang harsh ni mama ko!). Hindi ko na ikukwento ang buong detalye dahil hindi nyo na yun pag iinteresahan.


Bakit ayaw ko kay PAPA.
5 o 6years ago umalis ang mama ko para magtrabaho sa ibang bansa. Noon pa man ay siya na ang bumubuhay sa pamilya namin. Sa buong buhay ko isa lang ang trabahong maalala kong pinasukan ni papa at nagresign din siya doon. Noong una ay masaya pa naman kami kahit na tatlo na lang kaming naiwan dito sa Pinas, pero ilang buwan ng lumipas parang nag iba na papa ko. Palagi na siyang nasa barkada niya, though hindi naman niya kami nakakalimutan. Umuuwi pa rin siya para magluto, sinusundo pa niya kami, palagi akong kasama pag mag gogrocery siya at lalaki lang yun babayaran dahil kahit anong gusto ko nilalagay ko sa basket, palagi ngang may pagkain ang ref. Noong mga panahong yun naiintindihan ko kung bat lagi siyang umiinom. Ok pa sana hanggang sa time na nakitext ako sa kanya.


*too toot, too toot* One Message Received. Read. Loading.
Good morning babes. DELETE!!!!!
Ampootah! Kumulo dugo ko don, pero tahimik lang ako. Nabasa ko pa yung ibang message sa inbox niya. Pero tahimik pa rin ako. Siya naman ang nkitext sakin, eh mangmang pa papa ko nun di pa niya alam na may sent items pala. Kaya nabasa ko rin lahat. Pero tahimik pa rin ako. Isang araw out of nowhere sinabi niya na nakikitext lang yung kaibigan niya kaya wag daw namin pansinin yung mga messages sa inbox niya. Nakakainis. At dumating yung time na nagreunion sila ng batch niya sa High School at palagi akong sumasama kasi may pagkain tapos binibilhan nila ako ng ice cream. haha! At dun na nagsimula ang pagduda ko. May babae kasi dun na palaging kasama ni papa at palagi niyang katext. Eh yung babae naman palagi rin kaming binibigyan ng mga gamit at pagkain. Eh kahit labag sa kalooban ko tinatanggap ko naman kasi mamahalin yun at ayaw ko malaman nila na alam ko na naglalaro na sila ng apoy. ARRRRGHH!! Best Friend daw siya ni papa. At isang araw nagtext siya saken na isusurprise niya papa ko sa birthday niya. Pinaghandaan niya talaga yun. Agree naman ako alang ala sa papa ko kasi matagal na rin siyang hindi nakapagparty. Libre pa. Kaya yun pinalipas ko na lang ang mga panahong magkasama sila. Dinala pa niya yung babae sa school namin nung kinuha niya yung card. Akala ng classmates ko mama ko yun. Pwe!! Ang pangit pa naman niya. Kadiri! Mayaman lang siya pero mas maganda mama ko. haha! At nanatili akong tahimik. Hanggang dumating ang araw na grabeh na ang away namin. Dun ko na nilabas ang matagal ko ng kinikimkim. Tapos in a split of a second natulala papa ko. Pero defensive siya ha. Kaya ngayon, kinakausap ko na lang siya tuwing may hihingin ako o may pinapasabi mama ko sa kanya.


Ang nakakainis pa ngayon, nauubos agad ang perang pinaghirapan ng mama ko. Sa tuwing nagpapadala mama ko pumupunta agad siya sa barkada niyang mga adik! Inom dito inom doon, nagsusugal pa. Eh relax na relax lang siya habang mama ko nagpapakahirap doon. Wala nga siyang trabaho at ayaw niyang maghanap. Dahilan niya "kahit nga mga fresh graduates nahihirapang magkatrabaho ako pa kaya na matagal ng nkagraduate?!" peste namang rason yan. Pag gusto maraming paraan, pag ayaw maraming dahilan. Xet you papa ko! arghhh.. Ang puso ko chillax!! Teka di pa ako tapos, pag hihingi ako ng pera palaging niyang sinasabi wala ng pera. Palagi nga silang nag aaway ni mama dahil maliit lang daw pinapadala niya, mahal na raw ang mga gastusin sa bahay. Di naman tanga mama ko, gusto nga niya sa akin nalang ipapadala yung pera kaso ayaw niya mag away kami ng papa ko. Di niya kasi alam matagal na kaming nag aaway ni papa. hehehe. Pero ngayon, nagpagawa siya ng atm para amin ng kapatid ko at seperate na niyang pinapadala yung para amin at para kay papa. Mabuti na siguro yun. Isa pang nkakainis, hindi alam ng mama ko na may celfon pala ang mokong na yun. Hindi nga namin alam yung number niya eh. Lagi niya kausap at katext yung babae. Aga-aga pa nagkwekwentuhan na sila. Tapos isa pa, isa pang nkakainis sa lahat!!!! Akalain mo ba naman tinext nung kirida niya ang mama ko. Sinabihan niya ng masasakit na salita. Debut ko kasi non, tapos sabi ng tita ko she'll help daw sa mga gastusin bale share sila ni mama. Pero ayun nga hindi natuloy debut ko kasi yung pakialamerang kirida na yun na inggit sa mama ko tinext kung bakit daw magdedebut pa ako na hindi naman pala kaya sa budget ng mama ko. Kaya ayun, sinabi ko na lang wag na lang akong magcelebrate ng 18th birthday ko. Pero nagpadala pa rin ng pera mama ko, kaya nilibre ko mga barkada ko. Kaya ayun galit na galit ako sa papa ko at kirida niyang panget.


Hindi ko naman masabi ang tungkol dito sa mama ko kasi ayaw kong maapektuhan pati trabaho niya. Ayaw ko maging malungkot siya doon, pero sa tingin ko alam na ng mama ko ang tungkol dito pero katulad ko tahimik lang siya. Di na siya nagpapadala ng malaking halaga kay papa pero sa tingin ko sobra pa rin yung pinapadala niya. Alam kong mali na hindi sabihin sa mama ko pero ang hirap kasing sabihin. Dahil din dito hindi na ako pinapakialaman ni papa, kahit anong oras pa akong umuwi. Magagalit siya, pagsasabihan niya ako pero di tulad noon pag sobra na ginagawa ko sinasaktan niya ako. Ngayon hindi na. Haha.
Hay ewan, yan na lang muna ibabahagi ko sa inyo. Ang haba na pala ng naitype ko. Salamat sa nagbasa at salamat na rin sa hindi nagbasa. hahaha!