skip to main |
skip to sidebar
RSS Feeds
Blog Sa Mga Taong Tanga Na Gustong Magbasa Sa Mga Post Ko.
Blog Sa Mga Taong Tanga Na Gustong Magbasa Sa Mga Post Ko.
10:32 AM
Gawa ni Madame K
Imagine our lives without money. Ay erase erase, wag yan. Imagine our lives if lahat tayo walang problema sa pera. Dito ko sinisisi lahat lahat lahat! Kung hindi lang importante ang pera eh pag iinteresan pa kaya yan ng marami? Though money can't buy emotions eh nabibili naman nito ang lahat ng materyal na bagay. Dahil sa pera nabibili na ang virginity. Dahil sa pera nagpapakasal ang ibang tao sa mayayaman. Dahil sa pera may kidnapping at holdaping. Dahil sa pera marami ang namatay. At dahil na rin sa pera kaya naghihirap ang bansa natin. Pano kasi itong mga nasa matataas na posisyon, walang ibang ginawa kundi magpalaki ng tiyan at magparami ng mga ari-ariang hindi naman nila masasama sa hukay nila. At lalong hindi nila masasama sa impyerno! Mga lokong to. Someday guguho rin ang mundo kaya masasayang rin ang effort nila for sure. Pera nga naman. Sana naman kung mangugurakot sila eh kahit limang daan lang kunin nila ok na saken. I'll learn to love them na lang. haha! Wag lang sana gawin P500,000.00 o di kaya P5,000,000.00 o mas worse P500,000,000.00. Nagpapakasaya habang iba ay naghihirap. So selfish of them!!! IBAGSAK! IBAGSAK!
Kung isa sa mga tatakbong presidente ay ibebenta ang lahat ng ari-arian niya para pambayad sa lahat ng utang ng Pilipinas o di kaya ipamahagi sa higit na nangangailangan nito yun na ang time na boboto ako. Pustahan tayo na pag hindi sila mananalo eh wala silang gagawin para umasenso ang bayan. Di nila gagawin yung mga pangako nila na makikita natin sa TV. Bale reserve lang yun sakaling manalo sila. Kaya nga hindi pa ako nkapagrehistro kasi ayaw kong bumuto sa mga plastik na yun. Nakakasira ng environment. Nakakasira ng BEAUTY! Shet! Teka sino nga pala gusto niyo maging presidente?
Sino ba ang nakaisip ng pera. Sana nagdurusa na siya ngayon sa impyerno! haha! Ang harsh ko naman.
September 13, 2009 at 11:09 AM
hay naku, pera!
kaya yung mga collecting agents ng mga credit cards, halos magmukhang mga demonyo at mag-asal demonyo, makasingil lang, para lang makakuha ng komisyon!
patayin!
September 14, 2009 at 9:02 AM
@Ambidextrous Meeya
honga ehh., kung makasingil nga parang katapusan na ng mundo. hahahaha.. kaya tama lang na PATAYIN!!!
September 14, 2009 at 11:28 AM
hello madame! :D makiki-comment lang ha :)
i think hindi po pera ang problema madame, it's the greed for money that is the problem. kasi importante naman po ang pera sa buhay natin eh. saan tayo kukuha ng pagkain kung walang pera? san tayo titira? san tayo makakabili ng mga clothes? moreover, pano tayo makakatulong sa kapwa kung walang pera? it's a fact po, mahirap kung walang pera.
pero kung ang tao, tulad ng mga at least 90% ng mga politicians natin, ay greedy sa pera, at sarili lang ang iniisip, then dun na po magsisimula ang problema. sariling tiyan lang ang pinalalaki. mawawala ang morals kung ang greed for money ang pinapabusog.
kasi ang sinabi po kasi sa bible is "the greed for money is the root of all evil" at hindi po "money is the root of all evil", but the greed for money.
pero kung ang hangarin mo sa pera ay para makatulong ka sa iba (lalo na yung mga mahihirap), at yung genuine talaga na tulong like hindi ka nagpaparecognize or something at hindi ka nag-expect ng something in return, then diba ang ganda kung marami kang pera? maraming pera = maraming taong matutulungan. kasi yun naman po talaga ang purpose ni God kung bakit nya pinapayaman ang tao eh. para makatulong sa iba.
yung mga mayayaman po na walang ibang pinapayaman kundi ang sarili lang nila ay katulad po sila sa story sa bible about "Lazarus and the Rich Man". May isang tao na napakamayan at si Lazarus na napakamahirap at marami pang sores sa katawan. Si Lazarus ay katulad lang ng mga aso ng Rich Man who just desired to be fed with what fell from the rich man's table (it's what we call "momho" in bisaya). Nung namatay silang dalawa, si Lazarus ay napunta sa langit at si Rich Man sa impyerno. Kasi nung buhay pa siya sobra sobra ang pera nya ngunit kahit si Lazarus na abot kamay lang nya ay hindi nya mabigyan na kahit man lang desenteng pagkain.
Kaya most probably yun rin po ang mangyayari sa mga selfish na mga politicians! hihihi :D
Naku, ang haba na po ng aking letter hehehe! gusto ko lang sanang magpasalamat sa iyong comment sa post ko at sabihin sa inyo na hindi kailangan ang millions para makapunta ka sa mga lugar sa Cebu, pero nung nabasa ko ang post nyo eh na-inspired po akong magcomment, napaka-inspiring po kasi ng post nyo hehehehe!
sige po! sanay na-gets nyo ang mensahe sa comment ko. :)
September 14, 2009 at 12:32 PM
@veronica
una sa lahat maraming salamat sa iyong napakahaba na love letter. hehehe ikaw pa ang unang tao na nagcomment saken ng ganito ka haba. CONGRATULATIONS! hahaha
pangalawa. bisaya pd ko pero kron pko kaencounter anang word na momho hehehe
ikatlo. I agree that greed of money is the root of all evil pero kung walang nakaisip ng pera eh maghihirap bah tayo? Nabuhay naman yung mga sinaunang tao ng walang pera dba/ hehehe ulit.
pang-apat. walang anuman sa comment ko. hahaha na nman. hindi nga kelangan ang millions (haaayy pera na nman). Pero kelangan pa rin ng pera para maenjoy mo ang tour mo. Kung walang pera san kaya ako tutuloy, saan at ano kaya kakainin ko? haaay pera..
September 14, 2009 at 12:32 PM
PAHABOL: salamat naman at nainspire ka. nakakatats talaga..
September 14, 2009 at 2:32 PM
kailangan na kailangan ko yan, pera,haha pautang naman,
ganda naman ng post mo ay katuturan,ganda din ng comment ni veronica :)
September 14, 2009 at 3:01 PM
@Hari ng sablay
hahaha.. papautangin kita kung pauutangin mo ko. toinx! hahaha
honga, haba ng love letter niya noh? hehe
September 14, 2009 at 11:08 PM
osha, kambal, eto isa pang wa wentang komento,
@Veronica, KONGRATYULEYTYENS!
September 17, 2009 at 5:55 AM
dahil sa pera:
-na-segregate ang mayayaman at mahirap
-nag-aagawan ng sponsors ang kapuso at kapamilya at nawala na ang init ng pagiging KABABAYAN (hindi ung tinapay ha)
-namimili ng kalaban si Pacquiao "if the price is right" daw (pero idol parin)
marami pa pero nakakahiya na, unang bisita ko pa lang kase dito e madami na akong sinasabi. salamat na lang. naenjoy ko basahin ito
September 17, 2009 at 6:26 AM
@UlraMagnetic Moe
makapangyarihan talaga ang pera. hindi nagkakasundo ang mga tao dahil dito.
ok lang yun. Mas Mahaba Mas Masaya. hihihi. salamat nman at nagenjoy ka. =)
September 17, 2009 at 11:06 AM
Hi sis! hehehehe! wow thanks naman sa mga nag-compliment at nag kongrats sa comment ko hehehehehe! nakaka-inspire! mabuhay po kayo!! charoot! hehehe nway, bisaya sad diay ka madame? good to know! pero magtagalog lang ta para maintindihan ng ibang mga pinoy ;)
nway sis, regarding mylot (which is connected rin sa pera, lol!) just wanna say you're welcome heheheh! it's fun talaga discussing topics with other people, especially for me na napaka-talkative ko hehehehe! plus, you get paid for it ;) pera na naman!!! :D
September 17, 2009 at 12:15 PM
@Ambidextrous Meeya
ayy parang blog naten, walang kwenta! hahaha
@veronica
sana yumaman ako don., hahaha
September 17, 2009 at 4:22 PM
nagka mylot din ako dati kaso tamad ako (epal sa usapan ng iba e noh hahaha!)
ay salamat din pala sa bisita. pasensya na kung sa blog ko e mejo english talkinings ako haha! ndi nga bagay kaso mga taga ibang bansa rin kc ung ibang readers. kaya thank you, ahhh salamat pala dahil pag nakakabasa ako ng ibang pinoy owned blog e naeenjoy ko talaga magkoment haaaaaaay ang sarap managalog.. haha
September 20, 2009 at 7:51 PM
Kambal, kunyari lang walang kwenta blog natin. humble mode lang tayo! etchos!