skip to main |
skip to sidebar
RSS Feeds
Blog Sa Mga Taong Tanga Na Gustong Magbasa Sa Mga Post Ko.
Blog Sa Mga Taong Tanga Na Gustong Magbasa Sa Mga Post Ko.
5:10 PM
Gawa ni Madame K
Hindi ka ba nakakaintindi o ayaw mo lang talagang umintindi?? Potek!! Uu, madali lang sabihing gusto kong MAKIPAGBREAK pero di mo alam nadudurog ang puso ko sa tuwing binibitawan ko ang mga salitang yan! Madali oo, kasi gusto kong iparamdam sayo na madali ka lang bitawan. Nasanay na akong anjan ka, ayokong hanap hanapin kita when the time comes na aalis na ako ng Pilipinas. Hindi naman pwedeng dito na lang ako. Wala akong trabaho, my mom will not support me na pag andito pa ako, wala ka ring trabaho, san ako titira, sinong bubuhay saken? Ang daming tanong na gumugulo sa isipan ko. There are a lot of reasons kung bat KELANGAN kong mangibang bansa, pero isang rason lang ang pwedeng makapagpigil sakin na huwag na lang umalis. Hindi mo alam kung gano kahirap magdesisyon sa ganitong sitwasyon. Mahirap, masakit, nkakainis.
Isipin mo na lang kung anong gusto mong isipin. Gusto kong maramdaman mo na wala na akong nararamdaman sayo. Gusto ko ring maramdaman mo na wala na akong interes sa relasyong ito para naman lumayo ka na. Para hindi na ako mahirapan sa pag alis ko. Ayoko ng long distance relationship, mabuti pa ang wala kaysa naman magtitiis ako sa ganyan.
Wish ko lang na sana, kahit napakasakit, mapunta ka sa babaeng makakapuno ng kaligayahan sa puso mo. Ang isang bagay na hindi ko maibigay sayo.
Pasensiya na kung napaka EMO ko ngayon. Gusto ko lang ilabas ang emosyong nararamdaman ko ngayon. Nakakalungkot. Nakakainis. Hayyyyyy!

7:24 AM
Gawa ni Madame K
Hoi hoi buloyyyyyyyyyyyy! Lapit na valentaymz day noh? Kilig moments to the bones na naman toh pare. Para sa mga may date ngayong valentines, avoid going in to dark places. hahahaha, para sa mga walang date PARTY TIME!!!!
Nakakatuwang isipin o panoorin ang mga hayskul na kinikilig tuwing binibigyan sila ng bulaklak o teddy bear o kaya naman chocolates. Namiss ko tuloy hayskul life ko, sabi nga nila at naniniwala naman ako na High School is the best. Dito mo maeexperience ang maraming bagay. Dito mo makikilala ang mga kaibigan mong hanggang sa pagtanda ay alam mong maasahan mo pa rin kahit matagal na kayong hindi nagkikita. Akala mo love eh infatuation lang pala. Sa mga babae eh pag dumaan lang crush nila eh kinikilig na sila. You day dream a lot. Maraming lalake ang takot mabasted. When you enter into a relationship eh akala mo siya na makakasama mo habangbuhay. And take note, your first heart ache na akala mo katapusan na ng mundo! Dito mo makikilala ang maraming klaseng tao-- torpe, flirt, loyal, plastic, shy, deadma, martyr, playboy/girl, Maria Clara, bad influence, bakla, tomboy, adik, ayyyyyy! hahaha Sa hayskul rin ako unang tumikin ng bisyo. Pero walang drugs ha! haha Beer, rhum, tequilla, at kung ano ano pa jan. Dito ko rin unang natikman ang bespren kong si Marlboro! wahahahahaha Pero never in my life na natikman ko ang pagiging suspended. hahaha Yan ako katino. lulz. Imma proud honor student. haha! Dami kong memories noong hayskul pa ako. Pero masaya din naman sa college. Mas masaya talaga pag naenjoy mo hayskul life mo, compared kung sa college ka pa magwawala. Naku po!!!
PS - please drop me some questions @ formspringme -------------------------->

6:02 PM
Gawa ni Madame K

9:34 AM
Gawa ni Madame K

7:33 AM
Gawa ni Madame K
At dahil si mamang LRT na si panjo, may naidedicate na na kwento sa kaibigan naming si hampaslupa na inabandona na ang blog niya eh etong entry na toh ay para sa kanya. Crush ko kasi siya eh. hahaha nakakabutch naman talaga ang beauty niya.
Etong bruhang toh ay isa sa mga naging close ko sa blogsperyo. Di ko talaga makakalimutan ang babaeng toh, lalo na ngayon at nakita ko na ang kagandahan niya. hahaha. Ang araw na to ay napakaespesyal para sa kanya (sabi ni panjo eh) at gusto ko ang mga mambabasa (kung meron man jang tanga na nagbabasa nito) ang maging witness sa pag greet ko sa kanya ng HAPPY BIRTHDAY CRUSH!! hahahaha! sana bumalik ka na sa blogsperyo, hindi pa nman huli ang gumawa ng bagong blog at ipatattoo mo na lang ang username at password mo para hindi mo na talaga ito makakalimutan. Hinding hindi ko na talaga makakalimutan bertdei mo kasi the day before your birthday ay ang araw din kung kelan nakapagdesisyon kami ng jowa ko na maging kami. ahihihi.
As usual, wala na namang kwenta ang pinagsasabi ko. hahaha basta hampaslupa ha, happy birthday sayo. San ang inuman? San ang kainan? hahahaha. Pwede ka pa rin namang makapagcomment eh anonymous nga lang. ahihi. I miss you na, I love you crush!

1:50 PM
Gawa ni Madame K

2:02 PM
Gawa ni Madame K
Ho! Ho! Ho! MERRY CHRISTMAS! toinks. Lapit na talaga ng pasko. Bat ba parang napakadali lang ng panahon? Dami na palang nangyari sa buhay ko. Ups and Dows and lefts and rights. ayyy
Naalala ko tuloy sa High School at kahit na rin sa Elementary pa, walang taon na hindi kami pinapasulat ng "What did you do last Christmas?" or something like that. Hahaha! Ang palagi kong sagot: "Last Christmas I gave you my heart but the very next day you gave it away!" nyahahaha. joke lang. Eto talaga ang mga linyang hindi mawawala sa composisyon ko.
Bigla akong nahiya sa sarili ko. Guilty in short. Totoo naman diba? Mas nauunang pumasok sa isipan natin ang "Pagkain" "Santa" "Regalo" pero "JESUS" nahhhh. Bat kaya ganun ang ibang tao? Sana talaga sa susunod na Pasko hindi na iba ang maiisip natin kung marinig natin ang salitang yun. Let's celebrate Christmas because Christ was born, not because of foods and gifts.