V villar
O Osmeña
T Tanada
F Flavier
O Obet
R Recto
D Drillon
C Chato
H Herrera
A Arroyo
M Monsod
M Magsaysay
P Pangilinan
Kung kapanahon ko kayo eh maalala niyo to. Buti pa yung sa senado naalala ko, di ko nga alam kung sino yung mga candidates for president non ehh. Hahaha. Anyways, Election Day ngayon. Kaya iboto ang sa tingin niyo ay karapatdapat. Wag husgahan ang iba, wag pilitin ang iba. Wag makiuso, wag gumaya. OK?
Ang hiling ko lang sa Diyos eh magibyan niya sana tayo ng mga lider ng bayan kung san hindi lang salita magaling kundi sa gawa rin. Tulad ng ibang tao, hangad ko lang na mapabuti ang ating bansa. Hindi ako mag eexpect na uunlad agad o mabayaran man lahat ng utang ng Pilipinas sa term ng kung sino man ang mananalo ngayon, gusto ko lang talagang mabawasan ang kahirapan ng bansa. Sana naman may malasakit ang mananalo at hindi puro pera lang ang nasa isip.
Sayang at hindi ako makakavote ngayon dahil hindi ako nakapagparehistro, nanghihinayang nga ako eh. Hindi kasi ako naniniwala sa mga boto noon, tingin ko kasi sa mga opisyal eh walang mga kwenta, puro kurakot at iba pa. Eh ngayon, every vote counts na pala. Sayang yung boto ko. Siguro makakatulong din yun. Wala na akong magagawa. Oh well. I'll pray nalang na sana manalo ang karapatdapat at sana hindi nila papabayaan ang kapwa nilang Pilipino. Tuparin sana nila ang kanilang pangako at tungkulin sa bansa natin ng walang halong katarantaduhan.
Happy Election and belated Happy Mother's Day. How I wish I could hug and kiss my Mom. Kaso ang layo niya eh. One reason bat siya nag abroad, for our future. Hirap kasi ng trabaho dito sa pinas and ang baba ng sweldo. Naway sana na hindi na mababawasang ang mga Pilipino sa bansa natin.
This entry was posted on October 4, 2009 at 12:14 pm, and is filed under
. Follow any responses to this post through
RSS. You can
leave a response, or trackback from your own site.
May 12, 2010 at 8:20 AM
Hahahaha! Bukod sa "naka-swimming ka na ba sa dagat ng basura......" ni Villar, yang VOTe FOR D CHAMMP na yan ang um-LSS sakin sa mga campaign jingles :))
Aymis your blog entries Madame K!!!
Nako mamamatay na ko sa boredom kaya issearch ko na ng bongga kung pano ko mabubuhay yung blog ko :))
May 12, 2010 at 8:00 PM
hampaslupaaaaaaaaaaaaa my crushhhh namiss kita ng bonggang bongga! Balik mo na kasi blog mo or better yet gawa ka ulit. Ahahahahaha. halika't magkulitan na tayo. GAME?!!! hahahaha Update mko pag nabalik na blog mo ha. mwah mwah!
May 13, 2010 at 5:19 AM
akshulyy meron na Madam K, LOL, kakagawa ko lang kahapon :))
http://superstarjhe.blogspot.com --- pero wala pang laman :P
I will follow youuuu :P