Real Jacqueline Bermejo response

Nabasa ko lang tong comment na to sa post ni kambal na si Meeya. Hot topic talaga si Jacque.

  • Anonymous said...

Subject: FW: Real Jacqueline Bermejo response

----- Forwarded Message ----
From: Facebook notification+mwegkxba@facebookmail.com
Sent: Tuesday, September 29, 2009 1:11:32
Subject: Jacqueline Bermejo sent you a message on Facebook...

Jacqueline sent you a message.

--------------------
Subject: This is my real account please help disseminate

I am issuing this statement to clear my name in the current controversy in which I allegedly posted a highly insensitive and offensive message on the social networking website, Facebook, in relation to the victims of typhoon Ondoy that recently struck parts of the Philippines.

About two years ago, an anonymous source created these accounts using my identity, posting my personal details, my real pictures captioned roughly and attacking other people. Because of these incidents, I reported such abuses and sent my credentials to the administrators of such sites, particularly Facebook. I have been abused and am still being abused online in social networking websites such as Facebook, Friendster, Multiply etc.

In the early stages, I was advised by close friends to ignore the situation, saying this would simply go away. Unfortunately, it has not stopped. Hence, I filed a complaint with the Dubai Police about eight months ago hoping they could help me with my problem. Should anyone wish to check my statement, my case is still under investigation with said authorities.

Time passed and these sites continued to generate malicious, obscene and cruel messages that are widely exposed and relayed to the public under my name.

Yesterday, September 27th 2009, I received phone calls from my close friends regarding very alarming posts in the above mentioned websites that directly offended flood victims as a result of typhoon Ondoy..

These malicious statement(s) which are posted under account names Jacque or Jackie are not of my doing. It is unfortunate that such statements were maliciously attributed to me and I do sympathize and understand the adverse and somehow verbally violent reaction that has been elicited by such insensitive statements or posts. Rest assured, I have taken every legal step that can be done in this regard.

I too, have become a victim as much as those who may have lost their lives and properties to such a devastating natural calamity. This recent controversy has greatly affected my reputation, my family, and my friends. I am devastated and shocked at the extent my character, my personal information and private space have been violated.

I have a deep respect and regard for my country. I am proud to be a Filipino and would never say or do anything to harm the interest of my country or countrymen. I have also had the privilege of participating in civic-oriented activities in Dubai, particularly in trying to help my fellow countrymen seek employment during the height of mass layoffs brought about by the ongoing global financial crisis, as well as those seeking employment for the first time. Making a mockery of any unfortunate incidents befalling any of my fellow Filipinos is simply contrary to my character. I condemn the person or persons behind these malicious acts to impute damage on my integrity and I hope that you can dig deep into your hearts and minds to truly find the truth in all these.

****
thats the real jacque we know..
we hope this will stop here, as she already make a statement behind the "malicious line" you all pointing to her..
Good deeds reign!


Naniniwala bah kayo na si Jacque toh? Naniniwala rin ba kayo na biktima lamang siya?

Ang Bagsik Ni Ondoy

Trees by Joyce Kilmer

Tagal ko na rin hindi nakapagblog. Masyadong busy sa skoool kasi lapit na finals. Tyaka busy din akong nakikinig at nagbabasa sa mga news tungkol sa walang hiyang si Ondoy na yan. Pero alam nyo, sa totoo lang, para saken wala namang kasalanan si Ondoy eh. Kundi mga tao ang may kasalanan kung bakit ang taas na ng baha sa ilang bahagi ng Pilipinas ngayon. Kung nakinig lang ang lahat para maiwasan natin ang ganitong pangyayari eh di na sana umabot pa sa ganito. Eto ang problema ng mga tao, ayaw kasing makinig. Alam kong masarap ang bawal pero isipin natin na ang bawal na yan ay may maidudulot na masama. Gusto ko lang gamitin ang pagkakataong ito para magbigay ng mensahe sa iilang mga tao jan.

Illegal Loggers: Peste naman kayo! Okeii lang sana kung kayo ang naghihirap bilang parusa na rin sa ginawa nyo pero tang ina, tingnan nyo naman ang Pilipinas. Ang mga bata na gustong mag-aral, ang mga walang bahay na nakakalat lang sa kalye, ang mga mamahaling gamit na nabili nyo?!?!?!! Kung puputol lang naman kayo ng kahoy eh make sure na papalitan nyo ito ng dalawang kahoy. Mas mahirap magpatumba ng kahoy kesa magtanim, alam kong alam nyo yan!

Ospisyal (lalo na sa mga tatakbo ngayong 2010): Hoy! Sa mga panahong namumulitiko kayo sana nagtanim na lang kayo at ginawang gubat ang Pilipinas. Di baleh na lang, bat wala akong naririnig na nagdonate kayo o tumulong man lang sa mga biktima? Buti pa yung mga artista at mga hindi sikat nagdonate na. Ako nga kung may pera lang ako nagdonate na talaga ako.

PCSO: Nagdonate na ba kayo? idonate niyo na lang ang POT money niyo!!!!!!!!!

Sa Mga Tao Walang hiyah: Tingnan nyo ang ginawa niyo?!?!?! Epekto nah toh ng global warming. Sinabi na ngang DON'T burn plastics eh ginawa nyo pa, DON'T cut trees ginawa niyo pa din, magtanim at wag patayin!! GETS?!!?!!

Wala na ngang masyadong balita tungkol sa mga nagpapatayan na tao pero marami namang namatay dahil kay Ondoy. Sana sa susunod na bagyo na darating wala ng mabalitaang mamatay pa. Sana maliwanagan ang mga tao sa pangyayaring ito. Hindi pa huli ang lahat, magbago na tayo. Isipin din natin ang kinabukasan ng mga bata. Teka, kung may maidonate kayo magdonate na ha?? Pera, pagkain o damit. Kahit na ano basta makatulong lang kayo. Magkaisa tayo.

PS: WALANG HIYA KA Jacque Bermejo!!!!

Sexy BACK!

Tagal mo ata nawala.
Uu nga eh. Miss me? I miss myself too. :)

San ka ba nagpunta?
Around the world in one day. awh. Busy lang sa school (aws?!). joke! Relax na relax nga ako sa school, sa sobrang relax ko lapit na ako idrop ng teacher ko sa religion. Buti na lang naagapan ko pa. haha May ibang pinagkakaabalahan lang ako eh. Sensiya na ha. Miss ko na nga kayo.

Walang kang kwenta!
Obvious bah?


Lapit na finals. Mag-aral ka naman.
Bat kelangan pang pag-aralan ang mga bagay na hindi naman magagamit pag magtatrabaho na ako? Common sense lang naman kelangan dba?

Drop ka na sa Religion subject mo.
Hahahaha. Honga eh. Inggit you? hihi. Two times na akong nadrop pero charisma pare. Charisma! haha.

Kelan ka gagraduate?
Coming Soon. Next Picture. :)

Lapit na sem break ah.
Honga eh. I'll have more time na to update my blogs. hihi I want to make mannnnniiii.


English Side Of Me

Alam ko hindi ako magaling sa English pero pinipilit ko namang matuto eh. Kaya gumawa ako ng blog na nag iingles ako. Practice makes perfect. Spokening Dollars Much? hahahahaha! Imported ang atmosphere doon kaya dalawin nyo naman ako. hahaha Wala pa masyadong post pero magpopost rin ako doon kung may maisip na ako. Pero ngayon share ko na lang muna ang site. Gagawin ko rin yun na source ng pera ko. Diba nagkakapera ka rin dahil sa blog. =) Turuan nyo naman ako ng PayPal at kung anong bank account ang pwede doon. hahaha! desperada bah?

Another WALANG KWENTA NA BLOG-----> Click HERE.

There's No ShortCut To Happiness

pag nauhaw ka iinom ka ba ng tubig dagat dahil tubig din yun?

Sino ba namang tao ayaw maging masaya? Pero advice ko lang ha, wag niyong hanapin ang kaligayahan, hintayin niyo nalang na dumating ito sa inyo.





past is passed.

The Root Of All Evil

Imagine our lives without money. Ay erase erase, wag yan. Imagine our lives if lahat tayo walang problema sa pera. Dito ko sinisisi lahat lahat lahat! Kung hindi lang importante ang pera eh pag iinteresan pa kaya yan ng marami? Though money can't buy emotions eh nabibili naman nito ang lahat ng materyal na bagay. Dahil sa pera nabibili na ang virginity. Dahil sa pera nagpapakasal ang ibang tao sa mayayaman. Dahil sa pera may kidnapping at holdaping. Dahil sa pera marami ang namatay. At dahil na rin sa pera kaya naghihirap ang bansa natin. Pano kasi itong mga nasa matataas na posisyon, walang ibang ginawa kundi magpalaki ng tiyan at magparami ng mga ari-ariang hindi naman nila masasama sa hukay nila. At lalong hindi nila masasama sa impyerno! Mga lokong to. Someday guguho rin ang mundo kaya masasayang rin ang effort nila for sure. Pera nga naman. Sana naman kung mangugurakot sila eh kahit limang daan lang kunin nila ok na saken. I'll learn to love them na lang. haha! Wag lang sana gawin P500,000.00 o di kaya P5,000,000.00 o mas worse P500,000,000.00. Nagpapakasaya habang iba ay naghihirap. So selfish of them!!! IBAGSAK! IBAGSAK!

Kung isa sa mga tatakbong presidente ay ibebenta ang lahat ng ari-arian niya para pambayad sa lahat ng utang ng Pilipinas o di kaya ipamahagi sa higit na nangangailangan nito yun na ang time na boboto ako. Pustahan tayo na pag hindi sila mananalo eh wala silang gagawin para umasenso ang bayan. Di nila gagawin yung mga pangako nila na makikita natin sa TV. Bale reserve lang yun sakaling manalo sila. Kaya nga hindi pa ako nkapagrehistro kasi ayaw kong bumuto sa mga plastik na yun. Nakakasira ng environment. Nakakasira ng BEAUTY! Shet! Teka sino nga pala gusto niyo maging presidente?

Sino ba ang nakaisip ng pera. Sana nagdurusa na siya ngayon sa impyerno! haha! Ang harsh ko naman.

Singgol

I miss hanging out with my friends. I admit, hindi ko pa nasusulit ang pagkaTEEN ko. Hindi dahil nililimitahan ako ng parents ko, in fact naiiintindihan naman nila ako paminsan minsan kung umaga na akong umuwi ng bahay basta magpaalam lang talaga ako. Because of my boyfriend I can't do whatever i want to do in my life. Hindi na ako masyadong nakakasama sa mga lakad ng barkada. At kung makakasama man ako eh limit lang sa time. As much as i want to unwind with them eh hindi na lang kasi epal yun pero mahal ko pa rin. haha! Hirap ng may magdemand ng time mo. haha! Pero ang nakakainis pa nito, he limits my time pero siya ayaw niya magpalimit. We talked about it pero tigas ng ulo ng mokong na yun. Tama ba naman yung sinabi niya na dadalaw siya dito sa bahay tapos ending nakipag inuman lang sa barkada niya. Tumawag ng madaling araw at sinabing matutulog na siya. Ampootahh. Kung makita ko yun mamaya sasalubungin ko talaga ng suntok at tadyak. Haaaayyy. I need BEERSSSSShh!!

Iba talaga pag single ka. Yung totally free. Nagagawa mo lahat ng gusto mo. Pero masa maganda talaga pag walang commitment. hehe.

Pero iba naman talaga pag mahal mo eh.

Diablo III


Shet nemen. Meron palang Diablo 3? Last year pa inannounce pero ngayon ko pa nalaman. Paborito ko kasi to noong nasa elementarya pa ako. Palagi ko tong nilalaro, natapos ko na nga yung Diablo 2 ehh. Nakakamiss naman, tumatanda na talaga ako. Haaay. *reminiscing the past* DRAMA!!! *flashback* toweweng!

Download ko talaga to pag available na. hehe. Sana may PH server nito(cross fingers sabay ang malademonyong ngiti). Yoko kasi ng international. Miss ko na maglaro ng online games. Weeeeee.

Teka, nasa kwarto na naman papa ko kasama mga kaibigan niyang mukhang adik. May narinig akong lighter. *pkshhh pksshhh*. Ano kaya ginagawa nila? Haaaaaaaay, makapagyosi na nga muna.

ay may bagong signature pala ako. hahaha yan ooh.. Madame K. oh yeahh.

My Life's An Open Book But My Identity Is Not. Well, Not For Now.

As long as i want to expose myself, i just can't due to some personal reasons. Bleh! Ewan ko ba, d pa ngayon ang tamang panahon (paki nyo naman diba?). Anyways, may gusto lang akong ishare. Tungkol sa taong kinamumuhian ko.

Guess who my mortal enemy is? haha! Ang sarili kong ama. Noong bata pa ako masaya pa ang samahan naming dalawa. Sabi pa nga ng mga tao na parang kapatid ko lang daw siya. At sa mga panahong iyon bulag pa ako sa mga nangyayari sa aking paligid. Tuwing mag-aaway sila ng mama ko hindi ko pa alam ang dahilan at hanggang ngayon di ko pa rin alam kung anong pinag-awayan nila. echosera! haha. Anyways, yun na nga. Naalala ko pa noong panahon na nag-away sila at si mama may bitbit na kutsilyo (ang harsh ni mama ko!). Hindi ko na ikukwento ang buong detalye dahil hindi nyo na yun pag iinteresahan.


Bakit ayaw ko kay PAPA.
5 o 6years ago umalis ang mama ko para magtrabaho sa ibang bansa. Noon pa man ay siya na ang bumubuhay sa pamilya namin. Sa buong buhay ko isa lang ang trabahong maalala kong pinasukan ni papa at nagresign din siya doon. Noong una ay masaya pa naman kami kahit na tatlo na lang kaming naiwan dito sa Pinas, pero ilang buwan ng lumipas parang nag iba na papa ko. Palagi na siyang nasa barkada niya, though hindi naman niya kami nakakalimutan. Umuuwi pa rin siya para magluto, sinusundo pa niya kami, palagi akong kasama pag mag gogrocery siya at lalaki lang yun babayaran dahil kahit anong gusto ko nilalagay ko sa basket, palagi ngang may pagkain ang ref. Noong mga panahong yun naiintindihan ko kung bat lagi siyang umiinom. Ok pa sana hanggang sa time na nakitext ako sa kanya.


*too toot, too toot* One Message Received. Read. Loading.
Good morning babes. DELETE!!!!!
Ampootah! Kumulo dugo ko don, pero tahimik lang ako. Nabasa ko pa yung ibang message sa inbox niya. Pero tahimik pa rin ako. Siya naman ang nkitext sakin, eh mangmang pa papa ko nun di pa niya alam na may sent items pala. Kaya nabasa ko rin lahat. Pero tahimik pa rin ako. Isang araw out of nowhere sinabi niya na nakikitext lang yung kaibigan niya kaya wag daw namin pansinin yung mga messages sa inbox niya. Nakakainis. At dumating yung time na nagreunion sila ng batch niya sa High School at palagi akong sumasama kasi may pagkain tapos binibilhan nila ako ng ice cream. haha! At dun na nagsimula ang pagduda ko. May babae kasi dun na palaging kasama ni papa at palagi niyang katext. Eh yung babae naman palagi rin kaming binibigyan ng mga gamit at pagkain. Eh kahit labag sa kalooban ko tinatanggap ko naman kasi mamahalin yun at ayaw ko malaman nila na alam ko na naglalaro na sila ng apoy. ARRRRGHH!! Best Friend daw siya ni papa. At isang araw nagtext siya saken na isusurprise niya papa ko sa birthday niya. Pinaghandaan niya talaga yun. Agree naman ako alang ala sa papa ko kasi matagal na rin siyang hindi nakapagparty. Libre pa. Kaya yun pinalipas ko na lang ang mga panahong magkasama sila. Dinala pa niya yung babae sa school namin nung kinuha niya yung card. Akala ng classmates ko mama ko yun. Pwe!! Ang pangit pa naman niya. Kadiri! Mayaman lang siya pero mas maganda mama ko. haha! At nanatili akong tahimik. Hanggang dumating ang araw na grabeh na ang away namin. Dun ko na nilabas ang matagal ko ng kinikimkim. Tapos in a split of a second natulala papa ko. Pero defensive siya ha. Kaya ngayon, kinakausap ko na lang siya tuwing may hihingin ako o may pinapasabi mama ko sa kanya.


Ang nakakainis pa ngayon, nauubos agad ang perang pinaghirapan ng mama ko. Sa tuwing nagpapadala mama ko pumupunta agad siya sa barkada niyang mga adik! Inom dito inom doon, nagsusugal pa. Eh relax na relax lang siya habang mama ko nagpapakahirap doon. Wala nga siyang trabaho at ayaw niyang maghanap. Dahilan niya "kahit nga mga fresh graduates nahihirapang magkatrabaho ako pa kaya na matagal ng nkagraduate?!" peste namang rason yan. Pag gusto maraming paraan, pag ayaw maraming dahilan. Xet you papa ko! arghhh.. Ang puso ko chillax!! Teka di pa ako tapos, pag hihingi ako ng pera palaging niyang sinasabi wala ng pera. Palagi nga silang nag aaway ni mama dahil maliit lang daw pinapadala niya, mahal na raw ang mga gastusin sa bahay. Di naman tanga mama ko, gusto nga niya sa akin nalang ipapadala yung pera kaso ayaw niya mag away kami ng papa ko. Di niya kasi alam matagal na kaming nag aaway ni papa. hehehe. Pero ngayon, nagpagawa siya ng atm para amin ng kapatid ko at seperate na niyang pinapadala yung para amin at para kay papa. Mabuti na siguro yun. Isa pang nkakainis, hindi alam ng mama ko na may celfon pala ang mokong na yun. Hindi nga namin alam yung number niya eh. Lagi niya kausap at katext yung babae. Aga-aga pa nagkwekwentuhan na sila. Tapos isa pa, isa pang nkakainis sa lahat!!!! Akalain mo ba naman tinext nung kirida niya ang mama ko. Sinabihan niya ng masasakit na salita. Debut ko kasi non, tapos sabi ng tita ko she'll help daw sa mga gastusin bale share sila ni mama. Pero ayun nga hindi natuloy debut ko kasi yung pakialamerang kirida na yun na inggit sa mama ko tinext kung bakit daw magdedebut pa ako na hindi naman pala kaya sa budget ng mama ko. Kaya ayun, sinabi ko na lang wag na lang akong magcelebrate ng 18th birthday ko. Pero nagpadala pa rin ng pera mama ko, kaya nilibre ko mga barkada ko. Kaya ayun galit na galit ako sa papa ko at kirida niyang panget.


Hindi ko naman masabi ang tungkol dito sa mama ko kasi ayaw kong maapektuhan pati trabaho niya. Ayaw ko maging malungkot siya doon, pero sa tingin ko alam na ng mama ko ang tungkol dito pero katulad ko tahimik lang siya. Di na siya nagpapadala ng malaking halaga kay papa pero sa tingin ko sobra pa rin yung pinapadala niya. Alam kong mali na hindi sabihin sa mama ko pero ang hirap kasing sabihin. Dahil din dito hindi na ako pinapakialaman ni papa, kahit anong oras pa akong umuwi. Magagalit siya, pagsasabihan niya ako pero di tulad noon pag sobra na ginagawa ko sinasaktan niya ako. Ngayon hindi na. Haha.
Hay ewan, yan na lang muna ibabahagi ko sa inyo. Ang haba na pala ng naitype ko. Salamat sa nagbasa at salamat na rin sa hindi nagbasa. hahaha!

zzz

Lola: Ano bah naman tong batang to kakagising lang tapos ngayon matutulog na naman.
Ako: zzz

Kahapon wala akong ibang ginawa kundi matulog ng matulog. Gigising lang ako tuwing kakain na, tapos matutulog na naman uli. Ewan ko, ayoko lang kasing magising nitong mga nakaraang araw. Kasi may maaalala lang ako. Mas mabuti pa matulog kasi maganda ang aking panaginip kesa nakagising pero bangungot naman ang laging nasa isip.

Sleeping is one way of escaping reality (ay english ang palaka kong lola neng). Also, in this way we can forget the problems we want to end. Oo, hindi ako tanga! Alam kong hindi matatapos ang problema ko kung ganito na lang ako palagi, pero di naman siguro masama kung isasantabi muna natin ito dba? Pampalipas na din ng oras. Minsan kasi kahit nkainom na ako eh mas naiisip ko ang problema ko kaya mas mabuti pa matulog na lang muna ako.

Katulad ngayon inaantok na ako. Sige mga parekoy at marekoy pupunta muna ako sa mundo ng panaginip. Dalawin nyo ako sa panaginip ko ha? ahihihi.