PATAY! PATAY! PATAY!! PATAYYYYYYYYYYYYYYYYYYYYY!
Nais niyo pa bang makita na namumulaklak ang blog nato? Pakisagot sa poll. Kung di kayo tanga, obvious na obvious na makikita niyo ito sa sidebar. Alam niyo nama nang ibig sabihin ng POLL at Sidebar diba? OK? GO! HEHEHEHE.
At dahil friend ko si
panjo at simula't sapol pa lang eh gustong gusto ko na ang mga kwento niya. Sumali ako sa pacontest niya. Ang hirap naman kasi limited to three colors lang at dapat simple. Fund pa naman ako sa rainbow. hahaha!
I can still remember the first time I laid my eyes on his blog. I got hooked sa LRT na kwento niya. If I'm not mistaken, LRT driver pa ata tong pangalan ng mokong toh. Anyways, balik tayo sa design. Hui panjo, alam mo naman na pasaway ako at hindi talaga ako sumusunod sa instructions kaya pagpasensiyahan mo nalang. Bigyan mo nalang ako ng puntos para sa effort ko. Wag kang mag alala, kasi pag nasa mood na ako gagawa ako ng mas maganda pa dito. Yun ay kung nasa mood ako. hahahaha. mwahh!!
Eto panjo oh, i hope you like it. =)



More than a year na pala ang blog ko. Oh mhayyyy!! Congratulations to me! YEYYY!! Akala ko wala ng bumubisita sa blog ko, pero nung nagcheck ako kanina aba may mga bagong comments. kakatuwa naman. Salamat repapeepz, I love you na talaga. Sa susunod na post ko, pramiz may sense na talaga kahit wala paring kwenta. hehehe. Pag nabasa mo to, maraming salamat. Pakiss nga!! MWAHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHH!
P.S. Wala pa akong sponsor para sa domain ko. huhuhuhu.
Assuming na tinatanong niyo yung sarili niyo kung bakit bastos o parang walang respeto ako pag nagboblog ako. Ako kasi sa personal ang Maria Clara na mejo bastos. I just find it funny to talk and act as a maniac. Don't get me wrong, I'm a maniac in a funny kind of way. Hindi ako yung bastos na bastos talaga, if you know what I mean. Besides, karamihan naman kasi sa friends ko ngayon ay mga lalake. Well, isa lang naman talaga yung babaeng babae and she just celebrated her last day as a virgin. Haha! Nakakatuwa nga kasi simula nung high school, 4 ang naging barkada ko. Una yung mga relihiyoso at pawang mga aliens pa pagdating sa kabastusan pero sila yung paborito ko. Pangalawa ay mga chicks, bale kami yung mean girlsssssssss when we were still seniors. Maganda, sexy at matalino, kami na yun. Pangatlo ay ang mga tanggero kong barkada. Party all night, party here and there, then party yesterday today and tomorrow. At yung ngayon na barkada ko na mga "shet, ang sarap niya pare" at "do the moves na" pwede rin namang "Pare 500, yung babaeng yun oh." Masaya din naman silang kasama. You can rarely see us in our town. Roadtrip din naman trip namin.
Iba't iba talaga ang naidudulot ng mga naging kaibigan mo sa buhay mo. Pero nasa sayo lang naman yun kung magpapaapekto ka. Ako kontento na ako sa pinagagawa ko kasi masaya ako dun. For me kasi Life will never be complete kapag hindi mo naranasan ang mga ito. I mean, boring ng life mo pag hindi ka man lang maging wild sa buong buhay mo. You'll never see how good life is. Yun na yun. Hehe. At wag ring kalimutan yung Pag-ibig, ang pinakaimportanteng bagay sa buong mundo.
V villar
O OsmeƱa
T Tanada
F Flavier
O Obet
R Recto
D Drillon
C Chato
H Herrera
A Arroyo
M Monsod
M Magsaysay
P Pangilinan
Kung kapanahon ko kayo eh maalala niyo to. Buti pa yung sa senado naalala ko, di ko nga alam kung sino yung mga candidates for president non ehh. Hahaha. Anyways, Election Day ngayon. Kaya iboto ang sa tingin niyo ay karapatdapat. Wag husgahan ang iba, wag pilitin ang iba. Wag makiuso, wag gumaya. OK?
Ang hiling ko lang sa Diyos eh magibyan niya sana tayo ng mga lider ng bayan kung san hindi lang salita magaling kundi sa gawa rin. Tulad ng ibang tao, hangad ko lang na mapabuti ang ating bansa. Hindi ako mag eexpect na uunlad agad o mabayaran man lahat ng utang ng Pilipinas sa term ng kung sino man ang mananalo ngayon, gusto ko lang talagang mabawasan ang kahirapan ng bansa. Sana naman may malasakit ang mananalo at hindi puro pera lang ang nasa isip.
Sayang at hindi ako makakavote ngayon dahil hindi ako nakapagparehistro, nanghihinayang nga ako eh. Hindi kasi ako naniniwala sa mga boto noon, tingin ko kasi sa mga opisyal eh walang mga kwenta, puro kurakot at iba pa. Eh ngayon, every vote counts na pala. Sayang yung boto ko. Siguro makakatulong din yun. Wala na akong magagawa. Oh well. I'll pray nalang na sana manalo ang karapatdapat at sana hindi nila papabayaan ang kapwa nilang Pilipino. Tuparin sana nila ang kanilang pangako at tungkulin sa bansa natin ng walang halong katarantaduhan.
Happy Election and belated Happy Mother's Day. How I wish I could hug and kiss my Mom. Kaso ang layo niya eh. One reason bat siya nag abroad, for our future. Hirap kasi ng trabaho dito sa pinas and ang baba ng sweldo. Naway sana na hindi na mababawasang ang mga Pilipino sa bansa natin.
Lin exchange you like? Dami pang available slots sa taas. Hihihi. Di na talaga ako magpapramiz na maging active sa blog ko. Pasensiya na mga tambay. Huhu. Konti nalang ata may interes sa walang kwentang blog nah to ah. Anyways, I'll try my best to post more entries soon. I Love You gaiz. Mwah!
Malapit na ang eleksyon. Maglalabasan na naman ang mga demonyo nito. Wooot Wooot! 1 thing I love/hate about eleksyon is yung mga taong nakakalat para bilhin ang boto nyo. Which is good kasi kahit bayaran pa nila ako ng isang milyon kapalit ng pagsulat ko sa pangalan ng mga manok nila eh papayag talaga ako. Malalaman bah nila kung anong pangalan ang sinulat ko? *insert evil smile here* bwahahahahahahaha! Kaya yun. Anyways, napadaan lang naman ako sa walang kwentang blog nah to dahil gusto kong malaman niyo kung sino ang iboboto ko ngayong eleksyon.
I think therefore I am for G1BO! Bang! Bang! Wala naman kasing ibang matino sa kanila eh. Actually, mga manok ko eh si G1bo at Gordon. Sayang kasi malabong manalo si Gordon. Anyhoooooo, kung sino man ang maging presidente eh sana di niya papabayaan ang bansa natin. Sana hindi na tayo pagtawanan pa ng ibang bansa, aahon sana tayo sa kahirapan tulad ng mga lintek na pangako nila. Wag sana puro salita! Kaw? Sino pinapaniwalaan mo?