"Hindi ko na papabayaan ang blog ko." - SUPER DOOPER MEGA OOBER FAIL!!!

Huhuhu. Kawawa naman talaga. Mabuti pa ang multo nagpaparamdam. I feel sorry for my blog. It was never my intention to make pabaya my blog. Kahit yung personal blog ko kaboooom, cobwebs na ang laman. ERRRRR!

Anyways, El NiƱo nah gaiz, so init na. Kaya don't forget to bring sunblock and umbrella. hahaha! Finals na namin. Hindi pa nga ako nakapag-aral ay pagod na akong mag-aral. Diba pag exam hindi na dapat pag-aralan ang lessons? Dapat stock knowledge nalang yun. Kasi test nga yun para malaman kung may naintindihan ka talaga sa lesson niyo. Hayy.

Anyways, jump na naman tayo sa ibang topic. Eleksyon na. Sino ang iboboto niyo?? Ang taong pedopilya na lagi mo lang makikita sa TV at nakaka LSS yung kanta niya, o ang anak na dala-dala ang pangalan ng kanyang mga magulang na ginawa ang lahat para magkademokrasya tayo? O kaya naman ang dating pangulo na nasibak na dahil sa isyung jueteng at patuloy pa ring lumalaban para manalo kahit alam niyang wala na siyang pag-asa? Di naman kaya gusto niyong iboto ang taong may angking GALING AT TALINO? Hahaha.

Kahit ano pa man yan, MY VOTE IS FOR GIBO AND GIBO ALONE. hahahaha Bakit? Dahil gusto ko yung humble at may talino talaga. Di bale na kung PRO GMA siya at ANTI GMA ako.

Kahit sino man ang manalo sa kanila. Basta dapat siguraduhin nilang walang dayang nangyayari sa eleksyon at sana naman maging maayos na ang bansa natin. Iangat sana nila ang Pilipinas sa kahirapan at polusyon!! wahahahaha.

So sino bang iboboto niyo? VOTE WISELY.