Maria Clara na mejo bastos

Assuming na tinatanong niyo yung sarili niyo kung bakit bastos o parang walang respeto ako pag nagboblog ako. Ako kasi sa personal ang Maria Clara na mejo bastos. I just find it funny to talk and act as a maniac. Don't get me wrong, I'm a maniac in a funny kind of way. Hindi ako yung bastos na bastos talaga, if you know what I mean. Besides, karamihan naman kasi sa friends ko ngayon ay mga lalake. Well, isa lang naman talaga yung babaeng babae and she just celebrated her last day as a virgin. Haha! Nakakatuwa nga kasi simula nung high school, 4 ang naging barkada ko. Una yung mga relihiyoso at pawang mga aliens pa pagdating sa kabastusan pero sila yung paborito ko. Pangalawa ay mga chicks, bale kami yung mean girlsssssssss when we were still seniors. Maganda, sexy at matalino, kami na yun. Pangatlo ay ang mga tanggero kong barkada. Party all night, party here and there, then party yesterday today and tomorrow. At yung ngayon na barkada ko na mga "shet, ang sarap niya pare" at "do the moves na" pwede rin namang "Pare 500, yung babaeng yun oh." Masaya din naman silang kasama. You can rarely see us in our town. Roadtrip din naman trip namin.

Iba't iba talaga ang naidudulot ng mga naging kaibigan mo sa buhay mo. Pero nasa sayo lang naman yun kung magpapaapekto ka. Ako kontento na ako sa pinagagawa ko kasi masaya ako dun. For me kasi Life will never be complete kapag hindi mo naranasan ang mga ito. I mean, boring ng life mo pag hindi ka man lang maging wild sa buong buhay mo. You'll never see how good life is. Yun na yun. Hehe. At wag ring kalimutan yung Pag-ibig, ang pinakaimportanteng bagay sa buong mundo.

Vote Wisely. Go Wisely. WOOOOT

V villar
O OsmeƱa
T Tanada
F Flavier
O Obet
R Recto
D Drillon
C Chato
H Herrera
A Arroyo
M Monsod
M Magsaysay
P Pangilinan

Kung kapanahon ko kayo eh maalala niyo to. Buti pa yung sa senado naalala ko, di ko nga alam kung sino yung mga candidates for president non ehh. Hahaha. Anyways, Election Day ngayon. Kaya iboto ang sa tingin niyo ay karapatdapat. Wag husgahan ang iba, wag pilitin ang iba. Wag makiuso, wag gumaya. OK?

Ang hiling ko lang sa Diyos eh magibyan niya sana tayo ng mga lider ng bayan kung san hindi lang salita magaling kundi sa gawa rin. Tulad ng ibang tao, hangad ko lang na mapabuti ang ating bansa. Hindi ako mag eexpect na uunlad agad o mabayaran man lahat ng utang ng Pilipinas sa term ng kung sino man ang mananalo ngayon, gusto ko lang talagang mabawasan ang kahirapan ng bansa. Sana naman may malasakit ang mananalo at hindi puro pera lang ang nasa isip.

Sayang at hindi ako makakavote ngayon dahil hindi ako nakapagparehistro, nanghihinayang nga ako eh. Hindi kasi ako naniniwala sa mga boto noon, tingin ko kasi sa mga opisyal eh walang mga kwenta, puro kurakot at iba pa. Eh ngayon, every vote counts na pala. Sayang yung boto ko. Siguro makakatulong din yun. Wala na akong magagawa. Oh well. I'll pray nalang na sana manalo ang karapatdapat at sana hindi nila papabayaan ang kapwa nilang Pilipino. Tuparin sana nila ang kanilang pangako at tungkulin sa bansa natin ng walang halong katarantaduhan.

Happy Election and belated Happy Mother's Day. How I wish I could hug and kiss my Mom. Kaso ang layo niya eh. One reason bat siya nag abroad, for our future. Hirap kasi ng trabaho dito sa pinas and ang baba ng sweldo. Naway sana na hindi na mababawasang ang mga Pilipino sa bansa natin.