Ako Ay Nagbalik

Eto na ako. Pilit na bumabangon. Ilang araw ding nawala. Ilang araw na rin akong palaboy laboy. Hindi ko alam kung san pupunta, para akong baliw na may sariling mundo, parang batang kalye na kung san san lang napapadpad. Ngayon pipilitin kong hanapin ang ilaw na gagabay sa akin. Pipilitin kong magbago sa kabila ng lahat. Marami akong nagawang mali sa buhay ko, marami na akong nasaktan. Gusto ko man itong baguhin lahat pero hindi pwede dahil obviously di mo na mababago ang nakaraan. Sabi nga nila, past is past ang importante ay ang ngayon. Kaya magsisikap ako. Sana patawarin ako ng Diyos sa lahat ng maling nagawa ko.

Father please forgive me for i have sinned.

Ay Wil Falow Yu

Ahihihi.. Mababaw lang talaga kaligayahan ko kaya wag kayong magreact. Nadagdagan na naman kasi ng follower dito sa walang kwentang blog na to. Di ko alam kung anong ifofollow nyo pero salamat ng bonggang bongga. Kahit wala ako sa mood eh napasmile nyo ako. charootzs. aylabyu all. Salamat! hahahaha

Diyos ko po sana madagdagan pa ang mga tambay na to kahit walang kwenta mga post ko at kahit na korny ang mga to. Ahihihi.

Di naman masama ang mangarap dba? Keber!

Ang Pagbabago

Matagal ko na gusto iupdate ang walang kwentang blog nah to kaso tinatamad talaga ako. Gusto ko baguhin layout ko, magdadgdag kung ano pwede maidagdag, bawasan kung ano dapat bawasan. Gusto ko sana personalize layout, yung gawa ko talaga, galing sa dugo't pawis ko.. ay exaj! haha. Anyways, abangan nyo na lang ang pagbabago na yan. hahaha. kawawang blog ko, kinakalawang na.

Eto pa share ko sa inyo ang ginawa ko kanina. Para sa walang magawa jan tulad ko pwede nyo din try to.

CLICK ME!
ewan ko kung sino yan. haha
proof lang talaga na wala akong magawa.

Lapis at Bolpen

Sulat. Bura. Drawing. Ay mali, bura.

Sana ang buhay ay para lamang nagsusulat gamit ang isang lapis. Yung tipong kung magkakamali ka man eh pwede mo lang itong burahin. Bolpen kasi ang gamit nating lahat ehh. Kung magkakamali tayo, kahit anong gawin nating pagtatago o pagkokoreksyon sa mali natin eh nde natin matatagal o maitatago ang ebidensiyang iyon. Makikita at makikita par in yun.

Ang dami ko ng nabura sa buhay na to, kaya sa natitirang mga pahina sa buhay ko ay pipilitin ko talagang maging malinis ang mga ito. Iwas burahan na itech. Susulat na ako ng malinaw at yung may sense talaga.

Jollibeer

Matagal na rin akong hindi nkapagpost dito sa walang kwentang blog na to. Hindi naman ako busy, palagi naman akong nagnenet, ewan ko kung tinatamad ako o sadyang wala lang talaga akong maipost. hay naku! kawawang blog, wala talagang kwenta.

Teka, habang nag-iisip ako kung anong topic ang ipopost ko eh nakita ko toh somewhere sa net. Kaya share ko sa inyo. Libre niyo ko ha??


oh keri mo itech? hahaha! tara na sa jollibee at mag jollibeer nah tayo.


At dito na nagtatapos ang post ko kasi wala na talaga akong maisip. I Thank You.

May Our Former President Cory Aquino Rest In Peace

Magboblog sana ako tungkol sa mga letcheng mga bampira na yan kaso parang mas importante ito. Napa HAAAAAAh at hOooooh talaga ako nung marinig ko sa tv na patay na ang dating pangulo na si Cory Aquino.

"Our mother peacefully passed away at 3:18 a.m. (1918 GMT Friday) of cardio-respiratory arrest," her son, Senator Benigno Aquino Jr., said on national television.
See full details.

Masakit mawalan ng minamahal sa buhay. Mabuti nalang at hindi ko pa naranasan ang ganyan. Hay naku, hanggang ngayon wala pa rin akong masabi. Sana itigil na muna natin ang kaguluhan sa ating bansa at magdasal tayong lahat para sa katahimikan ng dating pangulo. Ngayon ay kasama na niya ang kanyang mahal na asawa at ang ating panginoong Diyos.

Condolence to the Aquino Family.